Piolo Pascual willing to wait kay Judy Ann Santos
SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar (Pang-masa) - March 22, 2019 - 12:00am

Willing si Piolo Pascual na hintayin ang dating ka-loveteam na si Judy Ann Santos kung kailan ito available na gumawa ng kanilang reunion movie na as we all know ay noon pa talaga pinaplano’t matagal na ring hinihintay ng kanilang fans.

“It’s just a matter of time, I guess. When she’s free already to do the film. But I’m keeping my fingers crossed. I hope, bago kami tumanda, that’s what I always say.

“And anytime she’s free, I’ll make myself free to her,” sabi ni Piolo.

Kamakailan nga ay nag-viral pa ang video ng aksidenteng pagkikita nila sa elevator kung saan ay makikitang okay na okay naman talaga sila.

“Juday and I will always be friends no matter what happens, you know. Pag nagkikita kami, parang… Wala naman talagang issue sa amin, eh,” sey pa ng aktor.

Pero sa ngayon, talagang wala pa raw kasiguraduhan or kahit time-frame kung kailan sila magsasama ulit. Meron daw siyang reunion film na ginagawa ngayon under Star Cinema pero ayaw pa niyang sabihin kung sino ang ka-reunite niya but definitely, hindi si Juday.

“I’m in talks with Star Cinema for another film. But just the same, I cannot disclose it yet. We’re shooting already but I’m excited for that because it’s a reunion film as well,” sey niya.

Sen. JV aminadong nakakalito ang kandidatura nila ni Jinggoy

Kung si Sen. JV Ejercito ang masusunod, ayaw niya talaga sanang magkasabay silang tumakbo sa Senado ng half-brother na si Jinggoy Estrada.

Pareho raw kasi silang magsa-suffer sa votes at baka malito pa ang mga botante since “Estrada” rin kasi ang surname na ginagamit niya sa kanyang COC (Certificate of Candidacy).

Bukod dito, isa si Sen. JV sa mga tumututol sa political dynasty.

That’s why, aminado naman siyang sumama talaga ang loob niya sa kanyang amang si Manila Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada nang pumayag itong tumakbo rin si Jinggoy.

Ngayon pa lang ay naramdaman na ni Sen. JV ang epekto dahil medyo bumaba siya sa survey ng Senatoriables.

“First time in history ‘to na dalawang pamilya, sabay. Mahirap talaga. Kahit konsehal or board member or kagawad, pag dalawang member ng pamilya, sabay tumakbo, hindi ginagawa, eh. Kasi maghahati talaga, eh, medyo malilito (ang botante). Medyo challenging itong sitwasyon ko,” saad ng Senador.

Kaya sa ngayon, he’s just hoping na sana raw ay maa­lala na lang ng tao ang kanyang performance sa Senado.

JUDY ANN SANTOS PIOLO PASCUAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with