Ion Perez binubuhay ang pamilya sa Showtime…
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - March 22, 2019 - 12:00am

Kamakailan lang ay naging usap-usapan ang pag-iibigan diumano nina Vice Ganda at Kuya Escort na si Ion Perez sa It’s Showtime. Ganunpaman, sa kabila ng mga tsismis na ito, wala pa ring bini­bigay na kumpirmasyon ang dalawa.

Isa si Ion, 28, sa 15 magkakapatid. Hindi man daw naging masagana ang kanilang pamumuhay, pinuno naman ng magandang pangaral, lalo na ng kanilang ina, silang lahat na magkakapatid.

“I’d say, ito ang dahilan kung bakit matitino kaming lahat na magkakapatid.

“Malaking tulong sa aming pamilya kung anuman ang earnings ko ngayon sa It’s Showtime,” pang-wakas na salita pa ni Ion, when he guested sa Magandang Buhay, hosted by Karla Estrada, Melai Cantiveros and Jolina Magdangal.

Kaye Abad hinihiritan pa ng asawa ng dalawang anak

Saludo raw si Kaye Abad sa batang aktres na si Sophia Reola, who plays his 10 year-old daughter in the soon to air series, Nang Ngumiti Ang Langit.

Ang galing daw ni Sophia sa acting, ilang ulit nga raw siyang pinaiyak nito sa mga eksena nilang malulungkot, lalo na nang mamatay na siya, dahil supposedly afflicted siya with Leukemia.

Sayang nga raw at limited lang ang participation niya sa soap, na siyang pakiusap naman niyang talaga na producer nilang si Ruel S. Bayani. Gusto raw kasi niyang magka-anak muli.

Natatakot daw siyang kapag hindi niya isinaa­lang-alang ang pagbubuntis muli, she may run out of time. Inamin na niyang 36 years old na siya.

As far as she knows daw, ayon kay Kaye, her husband, former Pinoy Big Brother (PBB) housemate, Paul Jake Castillo, hopes to have two more kids.

Bodie Cruz certified pastor na

Isa na palang full fledged Pastor of the community sa Victory Church ang anak nina Tirso Cruz III at Lynn na si Bodie Cruz, na dating nag-aartista rin.

At the Dela Salle University where Bodie finished a college course, he was reportedly active sa religious activities.

Pip and Lynn still feel the pain they suffered when their elder son, Teejay Cruz died last November. Naging malaking tulong sa kanila ang sa tuwina’y pangaral sa kanila ng anak na si Bodie na Teejay is in a better place now.

A daughter, also a Dela Salle college graduate, works for a big corporation.

Pip is currently busy playing his role as a kontrabida in the trending series, The General’s Daughter, which Angel Locsin topbills.

Divina Valencia gusto uling mag-showbiz

Guess Salve A., whom we bumped into sa preview ng Bagman, now streaming on iWant and topbilled by Arjo Atayde.

Di­vi­na Valencia, in her time, a sexy actress to reckon with.

She has been living in the U.S. for a time but returned to the country four months ago, hoping na magkaroon muli ng pagkakataong makagawa ng pelikula o kaya, lumabas sa TV.

Still good-looking and trim, Divina said maku-contact siya through Sylvia Sanchez, who invited her to the event..

ION PEREZ VICE GANDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with