^

Pang Movies

Mga anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales gwardyadong mag-showbiz

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Mga anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales gwardyadong mag-showbiz
Andres at Atasha

Sayang at wala nga yata talaga sa plano ng anak na lalaki nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales na si Andres ang maging artista tulad nila.

Bukod sa higit na guwapo, tumangkad pa rin siya lalo sa edad na 17. Trim na trim din siya dahil Ganado itong mag-workout at maglaro ng basketball.

One more year to go at magtatapos na si Andres at ang twin sister niyang si Atasha sa magkaibang international schools na kanilang pinapasukan. Andres says, he will take up business management in college at balak daw niyang maging businessman.

“Between them, mas inclined to acting si Atasha. Which I doubt, if papayagan siya ni Aga kahit gustuhin man niyang mag-artista,” ani Elvie Gonzales, mommy ni Charlene at lola ng kambal.

“Gumaganda siya, at sumi-seksi,” susog namin.

“Nagda-dalaga na,” ani Elvie.

“May boyfriend na?” muli tanong naming kay Elvie.

“Wala ho,” sagot sa aming tanong ni Atasha, who overheard what I and Elvie were talking about her. “Ni suitors, wala pa ho ako.”

“Dad and Mom want me and Andres to finish college. And we will do that,” patuloy pa ni Atasha.

Sa totoo lang, when we told him of our conversation with Andres and Atasha, ang nasabi lamang ni Aga ay: “I feel complete as a dad. And of course, bilang asawa rin,

“Ang bait ng asawa ko. Where being a wife and mom are concerned, Charlene is no. one.”

Equally proud din daw si Aga of his son, Luigi, with Janice de Belen, now a husband too, and a father to three children.

Luigi is chef of the restaurant which he owns.

They make sure that they are in touch with each other. Sa premiere ng mga pelikula ni Aga, Luigi and his wife are always present.

Janice biglang naging bad

Of Janice, marami ang nanibago sa kanyang role as a kontrabida sa top series na The General’s Daugher as the ultra matapang na asawa ni Tirso Cruz III and cruel mom ni Angel Locsin.

Inaabangan ang mga eksena nila ni Angel, lalo na ang kanilang confrontation scene, now that she has admitted sa character na ginagampanan ni Angel na hindi niya ito anak.

The General’s Daughter is directed by Manny Palo, also stars Albert Martinez, Paolo Avelino, Eula Valdez, Ryza Cenon, Loisa Andalio, Ronnie Alonte at JC de Vera, among others.

Chokoleit hindi noon nawala sa leegang ashes ng nanay

In his lifetime pala, the late comedian, Cho­koleit used a necklace na ang pendant contained the ashes ng kanyang late Mom, who was also cremated like him.

I remember some friends of the late star maker, Douglas Quijano, na gumagamit pa ng ganung necklaces na ang pendant contained also the late Douglas’s ashes.

Yes, until a friend-priest of theirs told them hindi proper ang kanilang ginagawa. Baka raw makasama pa, as Douglas would perhaps want them na i-pray na lang nila ang kaluluwa niya.

Chokoleit remains was reportedly brought to his hometown in Davao.

The urn containing his ashes ay inilibing sa tabi ng nilibingan sa urn containing naman the ashes of his Mom.

Chokoleit’s real name is Jonathan Aguilar Garcia.

Wherever you are now, Chokoleit, rest in peace, please.

ANDRES MUHLACH

ATASHA MUHLACH

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with