^

Pang Movies

Erich nagbantay sa operasyon ni Julia

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Erich nagbantay sa operasyon ni Julia

Nag-post si Julia Barretto sa kanyang Instagram stories ng isinagawang operasyon sa kanyang kanang mata.

 

Sa series of photos na ipinost niya, makikita sa isang larawan na habang inooperahan siya ay magkahawak sila ng kamay ng best friend niyang si Erich Gonzales.

Ani Julia sa caption, “Bff award. Appreciate you @erichgg.”

Nag-post din ang ina ni Julia na si Marjorie Barreto ng mga larawan at sa caption ay pinasalamatan niya rin si Erich.

“With only 3 hours of sleep, @erichgg came to hold Julia’s hand duri”g a minor eye procedure. So happy to have supportive people around us,” ang bahagi ng caption ni Marjorie.

Sa comment section ay napakaraming nagtatanong kung ano ang nangyari sa mata ni Julia at kung bakit ito inoperahan. Pero may netizen naman na nagsabing may kuliti raw ang young actress sa mata at visible na raw.

Sa iba pang mga larawang ipinost naman ni Marjorie, mukhang okay na okay na si Julia at may bandage na lang sa mata.

Anak nina Rochell at Arthur wala pa ring Pangalan

Ipinasilip na ni Rochelle Pangilinan ang bagong panganak na baby girl nila ni Arthur Solinap.

Sa kanyang Instagram post kahapon ay makikita sa larawan ang kalahati ng face ng baby at sa caption, she wrote, “my life.”

Mukhang wala pa ring name ang baby dahil wala pang announcement ang mag-asawa tungkol dito. Sey ni Arthur matapos makapanganak ni Rochelle, kasalukuyan pa raw silang namimili kung ano ang ipapangalan nila.

Nanganak si Rochelle last Feb. 24 via caesarian section (CS) sa The Medical City in Ortigas.

May kasalukuyang drama series si Rochelle sa GMA-7, ang Onanay with Jo Berry, Mikee Quintos and Kate Valdez. Wala pang balita kung kaylan siya makakabalik sa trabaho since CS siya at matagal-tagal ito bago gumaling.

Hashtag Kid gumagamit ng ‘protection’

Aminado naman si Hashtag Kid Yambao na malaki ang nagawa sa kanya ng pagiging miyembro niya ng Hashtags at ang pagkakasama nila sa It’s Showtime.

“Maraming-marami, maraming nabago,” sabi ni Kid nang makausap namin sa blogcon ng Two Love You, ang movie na ipini-prodiuce ng manager niyang si Ogie Diaz.

Ngayon ay nakakatulong na raw siya sa kanyang pamilya at may kaunti na rin siyempreng savings.

“Lahat ng inaano ko, puro pamilya muna, iniipon ko, pag naipon, pamilya,” aniya.

Napag-aaral na raw niya ang mga kapatid niya at tumutulong sa panggastos sa pamilya.

“Nakakatuwa rin sa sarili at ‘yun naman talaga ang gusto ko. Pero ang pinaka-main (goal) ko talaga, mapauwi ko ‘yung lola ko from the States. Kasi nandu’n pa siya, eh, nagwo-work,” sabi pa ni Kid.

Kaya nga raw sa ngayon ay wala raw siyang love life dahil mahirap daw talaga sa ngayon ang magka-girlfriend dahil nga ang dami pa niyang priorities.

May nagtanong kung may sex life naman siya at natatawa niyang sagot “sex life po, siguro.”

Nang matanong kung gumagamit ba siya ng proteksyon para hindi makabuntis, ang lakas ng tawa ni Kid at balik-tanong niya, “ganito po ba talaga ang mga tanong?”

Pero sinagot din naman niya at aniya ay gumagamit naman daw siya ng proteksyon dahil at this point ay wala raw sa plano niya ang magkaroon ng baby. Mabuti na raw ang nag-iingat dahil natuto na raw sila sa pagkakamali ng ibang Hashtags members na hindi inaasahang nakabuntis ng babae.

vuukle comment

JULIA BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with