^

Pang Movies

Kris hinihintay mag-react sa akusasyon ng dati niyang producer

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Naka-score ang dating project manager at managing director ng Digital Media Queen Kris Aquino na si Nicko Falcis sa production company na itinayo ng dating TV host, ang Kris Cojuangco Aquino Production, matapos ibasura ng Makati Prosecutor’s Office ang isinampang 44 counts of qualified theft na ni Kris sa pitong siyudad ng Metro Manila at kasama na rito ang Makati dahil sa kakulangan ng ebidensya. Hihintayin pa ni Nicko ang magiging desisyon ng anim pang lugar na pinagsampahan sa kanya ng kaso ni Kris.

 

Samantala, na-corner ng entertainment press ang successful businesswoman from Nueva Ecija na si Gng. Rhodora Pascual Morales na mas kilala bilang si Tita Doray pagkatapos ng presscon ng FilHair’s upco­ming event na ginanap sa Mesa – Tomas Morato in Quezon City. Si Tita Doray ang controversial producer at dating fan ni Kris na siyang nag-produce ng travel show special ng dating TV host, ang Trip Ni Kris na ipinalabas nung April 9, 2017 sa GMA bilang isang blocktimer.

Sa halip kasi na masundan pa ang Trip Ni Kris ng iba pang TV project na balak sanang i-produce ni Tita Doray ay nagkaroon ng hindi magandang karanasan ang negosyante maging ang anak nitong si Renan Morales, isang car racer at councilor ng San Antonio, Nueva Ecija dahil sa halip daw na magpasalamat si Kris ay sila pa umano ang inakusahang `manggagamit’ bagay na ikinasama ng loob ng mag-inang Tita Doray at Renan.

Ano kaya ang masasabi rito ni Kris?

Fil-Hair may higanteng event

Ang Filipino Hairdressers Association (FilHair), ang premiere association ng professional hairdressers, make-up artists at salon owners ng Pilipinas na pinamumunuan ng beauty czar at philanthropist ay mag­lu-launch ng kanilang landmark event kung saan inaaasahan ang pagtitipun-ti­pon ng maraming taga-industriya para sa isang day-long event na magaganap on April 23, 2019 simula alas-9 ng umaga. Ito’y pinamagatang FilHair’s Jade Anniversary Beauty Event na gaganapin sa Metrotent ng Metrowalk in Pasig, City.

Iba’t ibang kategorya ang mag­lalaban-laban tulad ng Best in Men’s Haircut, Best in Evening Make-Up, Best in Bridal Make-Up at iba pa.  May award din para sa mananalo sa Best in Creative Hair Coloring category plus iba pang bagong kategorya tulad ng “Do-Me-A-Barbie”.

Bago ang beauty event on April 23, may ongoing nationwide tour na nagsimula sa Iloilo nung nakaraang linggo at Bulacan kung saan nagbibigay ang FilHair ng livelihood training program sa tulong nga mga local government units (LGUs) at kung saan din involved ang LGBT Pilipinas na nakipag-alyansa sa FilHair para mag-conduct ng mga livelihood training programs sa ilang marginalized sectors sa buong bansa.

Bukod sa iba’t ibang award at prizes, ang over-all champion ay makakatanggap ng complimentary round-trip ticket with 4 days/3nights accommodation para naman mag-compete sa Asia Pacific Hairdressers and Cosmetologists Association (APHCA) na gaganapin sa Singapore sa darating na November.

Nakatakda namang dumating sa Pilipinas para tumayong mga hurado ay ilang country leaders ng APHCA na magmumula sa Mainland China, Hong Kong, Korea, Macau, Malaysia, Singapore at Taiwan.

               

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with