^

Pang Movies

Pagbagsak ng local movie industry kagagawan ng mga indie?!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Philstar.com
Pagbagsak ng local movie industry kagagawan ng mga indie?!

Totoo ang sinabi nila. Mahigit isang dekada nang bagsak ang industriya ng pelikula. Pero bakit nga ba nagsimula iyon?

Sa natatandaan namin, nagsimula iyan nang tumaas ang tax sa raw materials.

Pelikula pa mismo ang ginagamit noon at hindi pa video. Nagkaroon ng Value Added Tax, at natural tumaas ang presyo ng raw materials. Ang ginawa ng ilang producers ay tinipid ang raw materials. Tinipid rin ang kabuuan ng produksiyon. Dahil iyon sa paniniwalang mas kikita pa sila kung makakagawa sila ng pelikula na mas mababa ang puhunan.

Ang mga pelikulang iyon ay tinawag na “pitu-pito”. Pitong araw lang kasi ginagawa ang pelikula at sa mas mababang puhunan na halos pitong milyon lamang. Nauna riyan ang isang karaniwang pelikula ay umaabot ng sampung milyon at mga dalawampung araw ginagawa.

Dahil “pitu-pito” nga, bumagsak ang kalidad ng pelikula at doon na nagsimulang mawalan ng gana ang mga manonood ng pelikulang Pilipino.

Noong hindi na kumikita ang mga “pitu-pito” gumawa sila ng mga pelikulang mas maliit pa ang puhunan, ang mga “indie”. Dahil napakaliit nga ng puhunan, kung sinu-sinong baguhan ang kinukuhang artista, tinatapos sa loob na lang ng tatlong araw. Halos wala nang kuwento, at ano pa nga ba ang pambenta kung hindi sex. Tapos karamihan pa ay gay sex. Lalong naghilahod ang industriya ng pelikula.

Pero pelikulang Pilipino lang ang naghihilahod, dahil ang mga pelikulang dayuhan ay napakalaki ng kita. Kasi iyong mga dayuhan, lalong pinalalaki at pinagaganda ang kanilang mga produkto dahil tumaas nga ang bayad sa sine at naging kakumpitensiya nila hindi lang ang tv kung di maging ang video. Iyong mga Pilipino naman mas pinaliliit ang gastos. Hindi na nagpo-promote ng kanilang pelikula kagaya noong dati. Umaasa na lang sa libreng Facebook at Twitter. Lalong bumagsak ang pelikulang Pilipino.

Ang tanong ngayon, sino ba ang may kasalanan? Hindi nga ba sinusuportahan ng masang Pinoy ang pelikulang lokal, o namimili lang sila ng mas magagandang pelikula?

Jak puro paghuhubad, pang-starlet ang style!

Natawa kami doon sa comments sa isang picture ni Jak Roberto. Ang sinasabi nila tungkol sa boyfriend ni Barbie Forteza ay “wala na ba siyang magagawang iba kung di mahubad?” Kasi sa lahat nga naman ng mga picture niya, at maging mga labas niya sa telebisyon ay nakahubad siya. Siguro talaga ngang puhunan niya ang magandang katawan niya, kaya nga kung tawagin siya ay “pambansang abs” pero wala na nga bang ibang magagawa maliban doon?

Kung hindi ide-develop ang kanyang abilidad sa acting at wala ngang gagawin sa kanya kung ‘di paghubarin sa lahat ng pictorials at mga palabas niya, hindi na iyan makakakawala sa pagiging isang male starlet. Kawawa naman.

Female personality na papalaos na, may target nang bigyan ng Rolex

Patago talaga, pero ipinagtatanong daw ng isang female social media personality ang isang male model. Matagal na rin naman kasing walang love life ang malalaos na ring personality, dahil iyong isa pang male model na kanyang inilusyon ay hindi siya pinatulan. Pinigil iyon ng isang businessman, na obviously mas mayaman kaysa sa malalaos nang personality.

Magtagumpay kaya siya sa male model na kanyang minamataan? Nakahanda ba siyang muling mag-regalo ng isang Rolex na tri-color kung sakali?

Kung ganoon nga ang deal, baka magtagumpay siya ulit sa kanyang lovelife.

vuukle comment

JAK ROBERTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with