^
Ken kasado na agad ang susunod na project
Ken

Ken kasado na agad ang susunod na project

TSUPPATID - Letty Celi (Pang-masa) - February 19, 2019 - 12:00am

Malapit nang magbabu sa ere ang My Special Tatay ng GMA-7 pero dahil sa galing ng akting ni Ken Chan, may inihahanda na agad ang Kapuso network na bagong project para sa kanya, pero hindi pa alam kung ano. Abangan na lang natin yan.

Samantala, congrats naman natin ang ibang member of the cast like Rita Daniela, Jillian Ward, Lilet and of course si Teresa Loyzaga, grabe at nakakatakot as kontrabida. 

Bong at Jinggoy, subok na!

Sure na at wala ng atrasan ang pagtakbong muli sa senado ng dalawang magkakosa na sina Bong Revilla at Jinggoy Estrada. Alam nating malaki pa rin ang kanilang magagawa sa bansa.

Kahit na nakulong sila ng almost four years, ang mga symphatizer ay hindi mawawala. Mga biktima lang sila ng pulitika. At nakita naman natin na napawalang sala sila sa mga ibinintang sa dalawang pogi ng Senado.

Kinainggitan sila kaya naman idinawit sila sa scam ng Pork Barrel.

Iyang si Jinggoy, subok ko na ang kabaitan niyan. Noon kasi ay nagpupunta pa ako sa San Juan noong siya pa ang Mayor. Ang mga tao, darating at aalis na masaya, walang luhaan dahil ganun siya pagdating sa pagkalinga sa tao.

Ito namang si Bong, parang hindi marunong magalit, kulang na lang na lahat ng taong lumalapit sa kanya ay kanyang kargahin o ampunin. Ayaw niya ng may mga nagugutom na tao. Kaya with the guidance of the Holy Spirit, go back to Senado.

Kailangan kayo ng masang Pilipino!

Local peanut butter dinarayo ng mga artista!

Yes natikman ko na ang cookies peanut butter na ineendorso ni Alden Richards. Yummy! May nagbigay sa akin at type ko ang lasa. Walang oil sa ibabaw at kahit ‘di ilagay sa ref ay okay.

Heto naman ang isa pang yummy na yummy ring peanut butter, ang Ehes. Hindi ito promo pero alam ko kasi ang story nito kung paano nagsimula.

Nagsimula lang ito sa isang kilong peanut na mabibili sa talipapa, sinubukang mag-eksperimento ni Jennilyn na hindi ko knows na kapitbahay ko pala.

Hirap noon si Jenny at walang trabaho ang asawa, ang mga anak ay huminto na rin sa pag-aaral at baon sa utang.

After ng ilang months, nag-click ang Ehes peanut butter na isang crunchy at may halong magaspang na mani.

Umunlad ang negosyong peanut butter ni Jenny, at ngayon nakapagpatayo na siya ng store sa bukana ng Golden City at mayroon na rin siyang bakery at restaurant. Low profile pa rin si Jenny at ang kanyang asawa at siyempre, ang mga anak ay nakakapag-aral na ulit sa magandang school.

Ni walang suot na alahas at laging naka walking short lang si Jenny, at hindi ko alam na dahil sa kanyang peanut butter ay makakarating sa bahay ko si Jolina Magdangal. Nagulat ako nang may nakaparadang Van sa tapat ng gate ko at nagkakagulo ang mga kapitbahay. Nang sinuhin ko, aba, si Jolina pala at hinahanap ang small factory ng Ehes, yun na! Sa grocery pala sila nakabili ng said palaman. Ang nakaka-shocked pati si Boy Abunda na idol ni Jenny ay nagustuhan din. Thru kasi noon may dala ako ng said crunchy peanut butter. Mahilig pala si Boy at paborito niya itong papakin kahit walang bread.

Grabe! Jenny patikimin natin ng iyong mani ang aking Bossing sa PM (Pang Masa), si Ma’am Salve at staff.

KEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with