Pep & KC
Pep & KC
KC lungkot-lungkutan sa pag-alis ng bf
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pang-masa) - February 18, 2019 - 12:00am

Umalis na pala ang boyfriend ni KC Concepcion na si Pierre-Emmanuel Plassart, lungkot-lungkutan ang aktres at ang naiwan na lang ay ang flower arrangement nito.

“He leaves today. But at least I get to have these blooms for another week or so, just one of his many Valentine’s treats... Hope you all feel loved and cared for this February.”

Pati shippers ng love team ng dalawa nalungkot din at kasama sila sa paghihintay sa pagbabalik ng BF ni KC. Sa San Vicente, Palawan nag-stay ng maraming araw sina KC at Pierre.

Hindi lang ang flower arrangement ang iniwan ni PEP kay KC dahil bago umalis, nagluto muna ito ng Tiramisu na ang recipe ay natutunan pa ni PEP sa Italian childhood nanny nito.

Gretchen at Claudine Super na-miss ang isa’t isa

Kasama ni Claudine Barretto ang mga anak na sina Sabina at Quia nang magkita sila ni Gretchen sa isang restaurant sa Solaire. Enjoy na enjoy si Gretchen sa pakikipag-usap kay Q at sa nadinig namin sa pinost na video ni Sabina sa IG story sa Instagram (IG) ni Claudine, inimbitahan niya si Q sa bahay nila at ipinagmalaking masarap siyang mag­luto.

Ibig bang sabihin nito, sa bahay na nina Gretchen ang sunod na meet up nina Gretchen at Claudine? Mas maganda ‘yun, mas personal at pwede silang makapag-usap na walang ibang taong nakikinig. Sa video, makikitang may ibang diners ang resto na nakatingin kina Gretchen at Claudine.

Obvious na sobrang miss ng nagmamahal sa mga Barretto na makitang magkasama sina Gretchen at Claudine dahil sa maraming request kay Sabina na i-focus ang camera sa magkapatid at pinagbigyan nito ang request.

John at Carmina, pinabata 

Ang “malapit na” na sagot ni John Estrada nang tanungin kung kailan na lilipat sa GMA Network si Derek Ramsay na matagal nang nababalitang pi­pirma ng kontrata sa Kapuso Network.

In fairness kay John, deretso ang sagot at dahil best friend sila ni Derek, tama at totoo ang kanyang sinabi. Sabi naman ng isang bossing ng network, inaayos pa ang kontrata ni Derek bago siya pumirma.

Speaking of John, sa presscon ng Kara Mia, masaya siya sa GMA Network at nagpapasalamat na may kasunod agad siyang project kahit bagong lipat siya sa network.

Sa pilot episode ng Kara Mia, kina John at Carmina sesentro ang istorya at kay Mike Tan na rin. Pinabata sina John at Carmina, may bangs dito ang aktres at si John, gumamit ng wig o toupee para mas bumata.

Tom nakipag-bonding sa pamilya ni Carla sa abroad

Tama ba kami na ang Dragon Lady ang papalit sa Asawa Ko, Karibal Ko na last two weeks na lang bago magtapos? Sina Tom Rodriguez at Janine Gutierrez ang mga bida sa bagong Afternoon Prime ng GMA-7 at parehong Fil-Chinese ang mga gagampanang role at nag-training na sila sa kani-kanyang karakter at role.

Dumating na noong Sabado mula Japan sina Tom, Carla at ang pamilya ng aktres kung saan sila nag-spent ng Valentine’s Day. Pwede nang mag-taping si Tom na excited sa role niya ng isang Chinoy.

Hindi pala ang trip sa Japan ang first trip nina Carla at ng pamilya nito na kasama si Tom dahil i­lang bakasyon na rin sa ibang bansa ng pamilya ng aktres na kasama si Tom.

 

KC
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with