^

Pang Movies

Catriona may official homecoming

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Pagkatapos ng kanyang sunud-sunod na commitments sa New York City, nagkaroon ng time si Miss Universe 2018 Catriona Gray na maka-bonding ang kanyang roommates sa NYC na sina Miss USA Sarah Rose Summers at Miss Teen USA Hailey Colborn.

 

Nasama sila over the weekend kahit na super-lamig sa Big Apple. Hindi sila naka-gown, walang masyadong makeup at makakapal na jackets ang suot nila habang ini-explore ang NYC.

Nagkaroon din ng time ang tatlong queens na mag-Facebook Live para sagutin ang ilang katanungan ng fans nila sa buong mundo.

Naging very close na sina Catriona at Sarah after nilang maglaban sa Miss Universe 2018 sa Bangkok, Thailand. Nakapasok si Miss USA hanggang Top 20 lamang.

One year silang magkakasama sa isang mala­king apartment sa NYC pero magkakaiba ang mga pinupuntahan nilang mga trabaho. Pero may pagkakataon daw na magkakasama silang tatlo para sa ilang events ng Miss Universe Organization na hawak din ang Miss USA at Miss Teen USA franchise.

Nag-post lang recently si Catriona ng upco­ming project niya na ikinatuwa ng kanyang 4.5 million followers sa IG.

Samantala, pinaghahandaan na ang official homecoming sa Manila ni Catriona bilang Miss Universe on February 20.

Matapos ang away sa ABS, Mylene at John magsasama uli sa GMA!

Nagbabalik si Mylene Dizon sa GMA-7 at kasama siya sa primetime series nila Miguel Tanfelix at Bianca Umali na Sahaya.

Huling lumabas sa GMA teleserye si Mylene ay noong 2015 at teleserye rin nila Miguel at Bianca na Once Upon A Kiss ang ginawa niya.

Hindi pa nilalabas ng Kapuso network ang official release ng Sahaya kaya wala pang nakakaalam kung ano ang role ni Mylene.

Sa unang balitang pagbalik ni Mylene sa GMA-7, sa teleserye na Dragon Lady siya makakasama. Pero ang naging final ay ang isama siya sa cast ng Sahaya. Kasalukuyan kasing walang ginagawang teleserye sa ABS-CBN si Mylene kaya niya tinanggap ang offer ng GMA.

Huli siyang napanood sa teleserye na The Good Son kung saan nabalitang may naganap na hindi magandang insidente sa kanila ni John Estrada na naging dahilan daw sa paglipat ng aktor sa GMA.

Magkrus kaya ang landas nila Mylene at John sa bakuran ng Kapuso network? Nagkaa­yos na kaya sila?

Anne Hathaway naghahanda sa Princess Diaries 3

Kinumpirma ng Hollywood actress na si Anne Hathaway na matutuloy ang filming ng The Princess Diaries 3.

Marami na kasing naghihintay sa susunod na chapter ng buhay ni Princess Mia Thermopolis of Genovia after nitong ikasal at siya na ang naging reyna sa sequel na The Princess Diaries: A Royal Engagement noong 2004.

Sumikat si Hathaway dahil sa pagbida niya sa The Princess Diaries noong 2001. Simula noon ay naging bida na ang aktres sa maraming malalaking pelikula, kasama na rito ang Oscar-winning portra­yal niya as Fantine sa Les Miserables in 2012.

Naghahanap na raw sila ng puwedeng magdirek ng ikatlong Princess Diaries movie dahil pumanaw na ang magdirek ng first two movies na si Garry Marshall.

On board pa rin daw sa third movie ang 83-year old veteran actress na si Julie Andrews na gumanap na Queen grandmother ni Anne.

vuukle comment

CATRIONA GRAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with