Maine Mendoza
Maine nakakuha ng hindi takot sa bashers
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - January 24, 2019 - 12:00am

Unang buwan pa lang ng 2019, marami na ang umaamin tungkol sa tunay na estado ng kanilang lovelife.

Inamin nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos na magdadalawang taon na ang love affair nila. Ang pag-amin ng dalawa ang patunay na hindi na si Ruru Madrid ang love ni Gabbi at buwag na talaga ang kanilang loveteam.

Walang takot naman na sinabi ni Arjo Atayde na exclusively dating na sila ni Maine Mendoza.

I’m sure, ikinatuwa ni Maine ang pralala ni Arjo dahil nakahanap siya ng mhin na hindi afraid sa bashers at haters.

Sa lahat ng mga lalaki na na-link kay Maine, si Arjo lang ang umamin at nanindigan na malaking bagay para sa isang babae na wala nang privacy dahil tinututukan ng publiko ang lovelife niya.

Barbie at Mika aliw na aliw sa naglalabasang memes!

Masaya ang mga Kapuso actress na sina Barbie Forteza at Mika dela Cruz dahil hindi pa man nagsisimula ang Kara Mia, ang kanilang upcoming primetime show sa GMA-7, pinag-uusapan na ito sa social media.

Viral na ngayon ang sari-saring mga meme tungkol sa mga karakter nina Barbie at Mika sa Kara Mia na dalawa ang mukha pero iisa lang ang katawan.

Aliw na aliw sina Barbie at Mika sa mga meme na ginawa ng fans na fascinated sa mga itsura ng karakter nila.

Siyempre, maligaya si Barbie dahil co-star niya sa Kara Mia ang kanyang real-life dyowa na si Jak Roberto.

Golden ‘di makapaniwalang makakasama sa concert sina Julie Anne at Christian

Hindi pa rin makapaniwala ang The Clash grand champion na si Golden Cañedo na makakasama niya sa concert stage ang kanyang mga iniidolo na singer, sina Julie Anne San Jose at Christian Bautista.

Guest performer si Golden sa The Sweetheart and the Balladeer: Fun Night Only, ang concert nina Christian at Julie Anne sa Iloilo Convention Center na magaganap sa Linggo, January 27.

May reason para hindi makapaniwala si Golden dahil dati-rati, si Christian ang isa sa mga judge sa The Clash, ang singing contest na sinalihan niya at nagpabago sa takbo ng kanyang buhay. Ngayon, magkasama at mapapanood na sila sa isang stage.

Makakasama rin nina Julie, Christian, at Golden sa Fun Night Only ang Kapuso comedians na sina Donita Nose at Super Tekla.

Sa mga gusto na manood, buy na kayo ng  tickets sa SM Tickets (www.smtickets.com) at para sa ibang mga detalye at katanungan, tumawag lang sa GMA Iloilo sa (033) 329-2110 o sa 0936-3000243 / 0915-5353873.

MAINE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with