Arjo walang paki sa bashers!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - January 24, 2019 - 12:00am

Belat nila...

Hindi lang inamin ni Arjo Atayde na “exclusively dating” na sila ngayon ni Maine Mendoza. Ang mas matindi roon ay iyong kanyang opinion tungkol sa mga bashers niya simula nang ligawan si Maine.

“Wala po akong kaaway sa social media. Social media lang iyan eh. Subukan nilang sabihin iyon sa akin nang harap-harapan,” sabi ni Arjo.

Tama siya, bakit mo nga naman papatulan ang bashers na iyan na matapang lang naman sa social media dahil hindi sila kilala at nakakapagtago sila sa isa o maraming iba pang accounts na ginagawa lang naman nila. Hindi mo alam kung anong klaseng tao iyon. Hindi mo nga alam kung tao iyon mismo o kung sino lamang. Bakit mo nga naman papatulan?

Pero kung harap-harapan nga na babastusin ka na, aba eh baka makita nila ang hinahanap nila.

Pero iyon lang naman ang sinasabi ni Arjo sa ngayon, “exclusively dating” silang dalawa ni Maine. Ibig sabihin hindi na siya nakikipag-date pa sa iba, at si Maine wala na ring puwedeng ka-date na iba. In short mayroon na silang mutual understanding.

Tiyak iyan, susundan nang mas matindi pang bashing, pero hindi naman pala sila pinapansin ni Arjo kaya wa-epek din naman ang ginagawa nila. Kasi naman iyang mga iyan, bakit ayaw lumagay sa ayos eh. Ano nga ba ang pakialam nila sa mga bagay na personal na. Pakialaman nila ang career ng isang artistang hinahangaan nila, dahil siguro sa paniwala nila na may kinalaman sila sa career ng isang artista, pero iyong personal na buhay, ano pa nga ba ang pakialam nila?

Kaya nga noon pa ay tinatanong na namin eh, ano ba ang gusto nila? Ilalagay nila sa garapon si Maine, aasinan at ibuburo?

Richard kontra sa paghanap-buhay agad ni Juliana

Natural lang naman siguro na magmalaki si Mayor Richard Gomez. Nang ma-post sa social media ang picture ng anak niyang si Juliana Gomez na naka-bathing suit sa isang beach, aba mahigit na isandaang libong likes agad ang nakuha sa loob lamang ng mahigit na isang oras. Eh kasi naman, nasa beach, maganda ang hubog ng katawan, walang make up pero napakaganda pa rin ng mukha ni Juliana.

Sayang nga ang batang iyan eh, inaabangan na ng ilang producers, pero natural hindi siya papayagan ni Goma hanggang hindi tapos ang kanyang pag-aaral. Sa ngayon tama na muna sa kanya iyong nagmo-modelo siya paminsan-minsan. Wala namang dahilan para madaliin niya na magkaroon ng career. Sobra-sobra namang kaya siyang tustusan ng kanyang mga magulang.

Sabi nga ni Goma, “iba ang sitwasyon ko noon. Kailangan kong magtrabaho agad para maituloy ang pag-aaral ko at magkaroon ng mas magandang kinabukasan. Siya hindi niya kailangang gawin iyon.”

TV personality na namimilit bigyan ng projects, hindi na pinapatos!

Lahat na yata ng klaseng pangungulit, ginawa na ng isang TV personality para bigyan siya ng bagong TV show ng kahit na anong network. Pangungulit na lang ang puwede niyang gawin. Wala na siyang power para mamilit. Pero anumang pangungulit ang gawin niya, walang gustong pumatol. Tinatanggap daw siya sa isa, pero bilang “blocktimer” at hindi maaaring regular. Kung may ibang blocktimer na mas maganda ang palabas, bumped off siya.

Sa ngayon ayaw pa niya sa ganung deal, pero siguro dahil wala na namang may interest na kunin siya, baka eventually patulan na niya iyon.

Naririnig na lang siya ngayon sa mga pralala na lahat naman ay binabayaran niya.

ARJO ATAYDE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with