Ginawa nina Jessy at Echo, palabas na ulit

Kung hindi siya effective sa The Girl in the Orange Dress, bakit palabas muli ang movie at may bago pa si Jessy Mendiola?

Mukhang promising yung nakatakdang ipalabas sa January 30 na ‘Tol movie ni Jessy Mendiola na kung saan ay magsisilbi siyang balakid para manatili ang pagkakaibigan ng tatlong lalaki na nagka-crush sa kanya nung kabataan nila (Arjo Atayde, Ket­chup Eusebio, Joross Gamboa).

Matapos ang matagumpay niyang pagbabalik sa paggawa ng pelikula via The Girl in the Orange Dress para sa MMFF 2018 kapartner si Jericho Rosales, heto na naman ang girlfriend ni Luis Manzano na ipamamalas muli ang kanyang ganda at effectivity bilang isang leading lady sa isang romcom na kinagigiliwan ng lahat ngayon. Kung hindi pa ito sapat para malaman na tanggap pa rin siya ng mga manonood, heto at muli na namang mapapanood sa ilang piling sinehan at sa halagang napakababa na P150 lamang ang TGITOD na gawa ni Miko Livelo para sa Reality Entertainment.

Pacman hindi nag-iilusyon maging pangulo

Maraming pulitiko ang makakahinga ng maluwag sa anunsyo ni Manny Pacquiao na wala sa plano niya ang tumakbo bilang pangulo ng bansa. Sapat na sa kanya yung nakapaglilingkod siya bilang senador at haharapin muna  ang pagbabalik sa ring bago pa siya tuluyang mag-retire.

Malaking problema ang ibibigay niya sa mga makakalaban niya sakali man bilang presidente dahil ma­rami siyang pera na magagamit sa kanyang kampanya, at marami na ang bilib sa kanya ngayon pa lamang.

Kuntento na rin siya na nakapagbibigay karangalan siya sa bansa sa pagiging isang boksingero.

Show comments