^

Pang Movies

Mayweather Jr. dedma sa hamon ni Pacman!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Kahit na nanood si Floyd Mayweather ng laban ni Manny Pacquiao kay Adrien Broner sa Las Vegas, wala raw itong intension na makipag-rematch kay Pacman dahil ini-enjoy nito ang kanyang retirement sa boxing.

Ayon pa sa right-hand man ni Mayweather at CEO ng Mayweather Promotions na si Leonard Ellerbe: “Mayweather doesn’t have the motivation to come out of retirement. He’s retired and has no interest in doing that.”

Taong 2017 pa noong huling nakipaglaban professionally si Mayweather sa larong boxing kay UFC fighter Conor McGregor kunsaan nanalo siya sa ika-10th round.

Noong nakaraang December 31, 2018 at nagkaroon siya ng single round exhibition fight with Japanese boxer Tenshin Nasukawa.

Inakala ng marami na mukhang nagpaparamdam na ulit si Mayweather na gusto na nitong bumalik sa professional boxing. Pero mali ang haka-haka ng iba dahil wala na raw sa interest ngayon ni Mayweather ang boxing.

Kahit na raw nagparamdam si Pacman ng isang “come-and-fight-me” plea habang nanonood si Mayweather sa ringside ng laban nito kay Broner.

“My message is that I’m still active. I’m a champion. Come back to the ring and we can fight again if he wants,” diin ni Pacman.

Pero dedma si Mayweather sa hiling ng Pambansang Kamao for a rematch na puwedeng magkahalaga ng millions of dollars para sa kanilang dalawa.

Kiray pangarap makasama sa Bubble Gang!

Kung may isang show daw sa GMA-7 na gustong makasali ang bagong Kapuso star na si Kiray Celis, ito ay ang Bubble Gang.

Inamin ni Kiray na bata pa lang daw siya ay fan na siya ng Bubble Gang. Naalala pa ni Kiray na parating natatalo ng Bubble Gang ang show na kinabibilangan niya noon na Goin’ Bulilit.

Ngayon at nasa GMA na siya baka raw magkaroon ng katuparan ang matagal na niyang dream na makasama sa Bubble Gang.

Sa pagpirma ni Kiray sa Kapuso network, nilagay siya agad sa teleserye nila Gabby Concepcion at Jennylyn Mercado na Love You Two. Nakapag-guest na rin siya sa Daig Kayo Ng Lola Ko at Dear Uge.

Dating alalay ni Mariah Carey sikreto siyang bini-video para gamitin sa pamba-blackmail!

Nagsampa ng demanda sa kanyang personal assistant ang singer na si Mariah Carey dahil sa pamba-blackmail nito sa kanya.

Ayon kay Mariah, ang kanyang dating personal assistant na si Lianna Azarian ay sikretong bini-video pala ang mga ginagawa niya, karamihan daw doon ay hindi appropriate at tinatakot siya nito na ibebenta nito ang video sa publiko kung hindi siya bibigyan ng $8 million.

Dagdag pa sa demanda ni Mariah ay ang paggamit ni Azarian ng kanyang credit card for personal purchases at pinalalabas niya na para ito sa singer. Ginagamit pa niya ang name ni Mariah para makakuha ito ng discounts.

Sa naisampa ng legal documents ng 48-year old diva, nakalagay doon na nakakatanggap ng $327,000 a year si Lianna as her employee since 2015. Pero wala raw itong karapatan na i-video nito ang mga “personal activities” niya at may threat pa itong ibebenta ang video kapag tsinugi siya sa kanyang trabaho.

Hindi nagpadala sa blackmail si Mariah at agad-agad niyang pina-terminate si Lianna noong November 2017.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with