^

Pang Movies

Non-showbiz GF ni Carlo, sinugod ng fans ni Angelica

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Non-showbiz GF ni Carlo, sinugod ng fans ni Angelica

Idenepansa si Trina Candaza ng mga kaibigan nito dahil naba-bash ngayon si Trina mula nang malamang dine-date o baka girlfriend na siya ni Carlo. Kaya lang, sa sinabi ng friend ni Trina na matagal nang nagde-date sina Carlo at Trina, lalong nagalit ang fans kay Carlo.

Pinaasa lang daw nito si Angelica Panganiban at pati na rin ang fans. Super sweet daw si Carlo kay Angelica at nag-spent pa ng Christmas Eve o Christmas Day sa bahay nina Angelica, ‘yun pala, may matagal ng dine-date.

Ang Cargel fans naman ang sinisi ng ibang kapwa fans dahil nagpadala sa sweetness nina Carlo at Angelica. Sila tuloy ang nasaktan.

Sa kaguluhang ito, si Angelica pa lang ang naririnig (via social media) na nagsasalita at side pa lang niya ang nababasa. Si Carlo ay nananatiling tahimik kahit maraming fans nila ni Angelica ang nagalit sa kanya.

Ariel nilait muna si Gelli bago puri-purihin!

Napakaganda ng post ni Ariel Rivera para sa asawang si Gelli de Belen. Siguradong ikinatuwa ni Gelli ang post ng mister dahil maganda ang reaction ng kanilang mga kaibigan. Brutal, pero puno ng pagmamahal ang post ni Ariel.

“This is my wife, waking up every morning, without make up. I wake up to this face EVERYDAY! Disgusting, right?! I know!!!... and that’s only her face!!! How can someone like me, be so lucky?! We’ve been married for 21 years...seems like I married her when she was still a baby.

I wake up every morning, thanking God, for all the blessings HE’s given me...my mom & dad, my siblings, relatives, my in laws, friends, my two boys that I’m SOOO proud of...but of all the things I’m most thankful for... it’s this woman you see before you, and thank God, before me. She has made me the person I’ve always wanted to be...I love you...” Heto ang reaction ni Gelli: “Awww I am even luckier to have a man as open and awesome as you to be my husband, the father of my children. You are, and always will be, my home. I love you Honey @rivera.arieljose.”

Nang makausap namin minsan si Gelli sa taping ng Ika-5 Utos, magagandang katangian din ni Ariel na namana sa ama ang binanggit nito. Role model at idol ni Ariel ang ama na nakikitang nagdya-juggle ng maraming trabaho para lang suportahan ang pamilya at ang kasipagan ng ama ang ginagaya nito.

Anyway, magkasama sina Ariel at Gelli  sa family comedy movie na Ang Sikreto ng Piso, hindi magdadrama ang mag-asawa, kundi magpapatawa. Showing na ang Ang Sikreto ng Piso  sa January 30, sa direction ni Perry Escaño at produced ng JPP Dreamworld Productions at MP Entertainment Productions.

Mika at Barbie gustong itapat kay Angel

Nakakaintriga ang role ni Mike Tan sa primetime teleserye ng GMA-7 na Kara Mia dahil siya ang tunay na ama ng kambal na sina Kara (Barbie Forteza) at Mia (Mika dela Cruz). Si Carmina Villarroel ang ina ng kambal at asawa nito si John Estrada, paano naging siya ang ama nina Kara at Mia?

Sa ingay na dala ng Kara Mia, sa pagti-trending at patuloy na paglabas ng iba’t ibang memes, ang suhestiyon ng Kapuso viewers, ito ang itapat ng GMA 7 sa The General’s Daughter at ipalit sa time slot ng Onanay.

Kaya lang, extended pa ang Onanay at hindi makakasabay ang Kara Mia sa pilot ng The General’s Daughter, pero hahabol pa rin naman siguro ang Kara Mia.

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with