Kris binura ang buwelta kay Nicko!

Binura na ni Kris Aquino sa kanyang Instagram account ang unang bwelta niya sa business manager na si Nicko Falcis the moment na nag-leak ang recorded audio ng phone conversation nila kung saan ay nagbanta nga raw ang una na ipapapatay niya ang huli.

 

Pero nakunan na rin naman ito ng screenshots ng maraming online sites and netizens as well kaya kumalat na rin.

Sa nasabing post ni Kris ay hinamon niya si Nicko na kasuhan din siya at haharapin niya raw ito.

“My TRUTH doesn’t scare me. Please do us all a favor. File charges against me. Unlike you, I’ll woman up and face all of them IMMEDIATELY,” ang saad ng art card na ipinost ni Kris na obviously ay patungkol sa dating business manager.

Sa caption ay may dalawang kuwestiyon siya para kay Nicko.

“I will state the date SEPTEMBER 27, 2018. it is now JANUARY 15, 2019.

“2 very straightforward questions- Why hasn’t Nicko Falcis filed a case of GRAVE THREATS against me with any prosecutor in October, November, December 2018, or this 1st half of January 2019?

“110 DAYS HAVE PASSED. i am ready to face whatever charges and vigorously defend myself in the court of law.

“2nd question: BAKIT HANGGANG NGAYON AYAW SAGUTIN KUNG NASAAN ANG 40 MILLION INVESTMENT NA GALING SA TRUST FUND NG MGA ANAK KO?”

Ang mga sumusubaybay sa kaso ng dalawa ay nagtatanong ngayon kung sino ba talaga ang nagsasabi ng totoo sa kanila.

Bagong talent ng GMA nag-trending agad!

Umaabot na sa mahigit 1.3M views sa YouTube ang pool scene ni Kate Valdez sa Onanay na umere last Dec. 28, 2018. Ito ang eksenang itinulak si Natalie (Kate) ng isang bisita habang nasa birthday party.

Sa nasabing episode ay pinag-usapan din ang bagong karakter na pumaso na si Angel Guardian na gumaganap na Chelsea. Ang daming pumuri sa beauty niya na sa true lang, maganda naman talaga ang bagets, bongga pa ang name na binaligtad na guardian angel. At mukha talagang anghel ang beauty niya.

Bagong GMA Artist Center talent si Angel at marami ang humuhula na sisikat siya agad dahil sa kanyang angelic at breathtaking beauty,

Show comments