Mother Lily walang planong maghinay hinay sa pagpo-produce
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - January 16, 2019 - 12:00am

Wow, Salve A., salamat naman at wala raw balak si Mother Lily Monteverde na maghinay-hinay sa pagpo-produce ng pelikula ngayong 2019, kahit pa raw most of the time break even lang ang kanyang kita.

 

Masaya na raw siya na nakapagbibigay siya ng trabaho, hindi lang sa mga artista, kung hindi lalo na sa mga maliliit na tauhan na involved sa paggawa ng movie. Some of them have been in the business ng kung ilang taon na at ito lang ang hanapbuhay na alam at somehow involved sila, paliwanag niya.

Right now, may nakatakdang film na ipapalabas si Mother Lily, ang tambalan nina Enchong Dee at Janine Gutierrez, ang Elise.

Samantala, sisimulan naman anytime soon ang bagong movie na ididirek ni Eric Quizon for Mother Lily’s film firm, co starring for the first time sina Susan Roces at Maricel Soriano.

Tinanong naming kung magkano ang kanyang kinita sa Metro Manila Film Festival entry nila na One Great Love, directed by Eric and starring Kim Chiu, JC de Vera at Dennis Trillo, her quick reply: “More than satisfactory.”

Kalahati ng kita ng MMFF galing kay Vice

Umabot daw sa P1.06 billion ang kinita ng MMFF 2018 ayon sa Event’s Chairman na si Danny Lim.

Gaano kaya katotoo na ang kalahati ng kinita nilang ito ay dahil sa pelikulang Fantastica ni Vice Ganda?

Well dapat nga sigurong mag-report ng exact figures ng kinita ang MMFF 2018, kahit lang si­guro ng apat na tinutukoy nilang top grossers which includes (bukod sa Fantastica) Jack Em Popoy: The Puliscredibles, Aurora and Mary Marry Me.

Samantala, tiniyak naman ni Chair Danny na meron pa ring MMFF 2019, After all nga naman, paano naman mai-increase ang admission price sa movie houses kung walang MMFF?

Tuwi na lang may MMFF, pataas nang pataas ang price admission sa sinehan.

Ito dapat siguro ang tutukan ng MMFF Committee. Baka di na ma-afford ng ordinary income earners ang manood ng sine, kahit MMFF pa.

Elisse may natutunan sa nangyari sa kanila ni McCoy

Sayang naman kung hindi tatapusin ni Elisse Joson ang fashion designing course na kanyang pinag-aaralan sa De La Salle College of St. Benilde bago siya nag-join sa Pinoy Big Brother (PBB), where a romance was developed between her and fellow housemate, McCoy de Leon.

Outside of Kuya’s house, they became a loveteam as well, na siyang dahilan kung bakit sila naging busy sa TV asssignments.

Gusto pa naman ng nanay niyang doktor na makatapos siya ng pag-aaral.

Samantala, ewan daw sa kung anong dahilan, kung kailan mayroon na silang first movie together ni McCoy, ang currently showing na Sakaling Maging Tayo, tsaka naman sila nagkalabuan ni McCoy. But she has no regrets kung anuman ang namagitan sa kanila nito.

Like her, McCoy is only 23. Kaya pareho silang may lesson na natutunan sa nangyari.

Bukod sa type niya ngayong i-resume ang kanyang studies, wish din ni Elisse to venture into more mature roles and challenging as well.

Elisse played a mean character na eventually bumait din sa malapit nang magtapos na series na Ngayon at Kailanman, co-starring her with the loveteam nina Joshua Garcia at Julia Barretto.

Boobay at Tekla papasok na tuwing Linggo!

Hilarious show kung i-describe ng GMA-7 ang itatapat nila sa Kapamilya show na Gandang Gabi Vice ni Vice Ganda. Titled The Boobay and Tekla Show na dating online program lang pero malakas ang hatak sa audience ng nasabing palabas kaya naman nagdesisyon ang GMA na gawin na itong Sunday Grande program.

The Boobay and Tekla Show is directed by Rico Gutierrez.

MOTHER LILY MONTEVERDE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with