Heart nginingitian lang ang mga asyumera!

Heart Evangelista

Smile at heart emoticons lang ang sagot ni Heart Evangelista sa mga nagtatanong kung true na kasali siya sa sequel ng Crazy Rich Asians, ang China Rich Girlfriend.

Sa totoo lang, muntik nang makasali si Heart sa cast ng Crazy Rich Asians pero hindi nag-materialize pero blessing in disguise ang nangyari dahil mukhang mas bongga ang mga magaganap sa kanyang career ngayong 2019.

Hindi nagsasalita si Heart tungkol sa tunay na dahilan ng kanyang pagpunta sa China pero may mga kuwento agad na lumalabas na Colette Bing ang name ng karakter na gagampanan niya sa sequel ng Crazy Rich Asians.

Nakakaloka ang fans dahil hindi sila involved sa production pero parang ang dami-dami nilang alam as in pinangungunahan pa nila si Heart.

Dapat intindihin ng fans na hindi puwedeng magsalita si Heart dahil may mga non-disclosure agreement na pinipirmahan ang mga artista, lalo na kung malaki at bongga ang project.

Lalabas din naman ang katotohanan sa tamang panahon kaya hintayin na lang natin ang official announcement ng mga tao na sangkot sa production ng sequel ng Crazy Rich Asians.

Mga staff at artista ng SP ililibre sa abroad ni Tony Tuviera!

Ang generous talaga ni Papa Tony Tuviera dahil dadalhin niya sa abroad ang staff at mga host ng Sunday PinaSaya.

Consistent kasi na mataas ang ratings ng Sunday Pinasaya mula nang mag-umpisa ito noong August 2015 kaya iti-treat ni Papa Tony sa bakasyon sa ibang bansa, hindi lamang ang mga host kundi pati ang staff ng Sunday noontime show ng GMA-7.

Ang sarap-sarap talaga na maging bossing ni Papa Tony dahil minamahal at may malasakit siya sa lahat ng mga nakakatrabaho niya, big stars man o hindi.

No wonder, patuloy na sinusuwerte ang Eat Bulaga, ang Sunday PinaSaya at ang ibang mga project ng APT Entertainment, ang television and movie company ni Papa Tony.

Mabait at matulungin na tao si Papa Tony kaya good karma siya at mahal na mahal ng kanyang mga tauhan. Good job Papa Tony!

KMJS mahirap talunin!

Hindi nakakagulat na isa sa most viewed program noong 2018 ang Kapuso Mo Jessica Soho.

Buong-buo ang credibility ni Mama Jessica kaya tinatangkilik ng lahat ang Sunday show niya sa GMA-7. May mga kakilala ako na nagsasabi na hindi kumpleto ang kanilang Sunday night kapag na-miss nila ang episode ng Kapuso Mo Jessica Soho.

Mahirap talunin ang isang Jessica Soho na kahit mabababaw na topic, nagagawa niya na informative at interesting sa televiewers.

Never na natalo sa ratings game ang Kapuso Mo Jessica Soho na hindi nauubusan ng mga topic na tatalakayin dahil ang mga tao na ang lumalapit sa programa niya para mag-share ng kanilang mga karanasan.

Parang Regal at Viva Films ang show ni Mama Jessica, hindi kumpleto ang career ng isang artista kapag hindi sila na-feature sa Kapuso Mo Jessica Soho.

Mahirap patumbahin ang isang show na pinagkakatiwalaan nang husto ng publiko kaya hindi madali na tapatan ang show ni Mama Jessica na lumipad pa sa New York noong nakaraang linggo para lang mainterbyu nang personal ang reigning Miss Universe na si Catriona Gray.

Show comments