Alden baliw na baliw sa Game Of Thrones!
SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza (Pang-masa) - January 13, 2019 - 12:00am

Kasama ang pag-travel sa iba’t ibang bansa na gustong gawin ni Pambansang Bae Alden Richards para sa taong 2019.

 

Nabanggit nga niya na dalawa sa gusto niyang puntahan ay ang Iceland at Croatia.

Gusto raw kasing puntahan ni Alden ang set ng Game Of Thrones na matatagpuan sa Dubrovnik, Croatia.

Big fan kasi si Alden ng naturang HBO series na nagpa-final season na sa taong ito. 

May malaking collection siya ng Game of Thrones toy figurines na ang iba ay regalo ng kanyang fans.

Nag-research na raw si Alden ng puwedeng tour sa set ng Game of Thrones at meron siyang nahanap na pitong klaseng tours. Isa rito ay ang Daily Tour Dubrovnik na magsisimula sa Arboretum Trsten, kung saan makakapaglakad ka sa palace gardens of King’s Landing.

The package—which includes, transfers, an English-speaking tour guide, and tickets to Arboretum, Lovrijenac, and Lokrum Island ay nagkakahalaga lang ng costs 130 € or PHP7,802.

Sa Iceland naman ay matatagpuan ang lugar kung saan naglaban sina Brienne and the Hound na Thingvellir National Park.

Kung matuloy daw si Alden sa biyaheng niyang ito, sana raw ay ma-meet niya ang ilang cast members ng Game of Thrones.

Dahil sa malaking collection niya ng Game of Throne characters at Marvel hero characters, balak na magpagawa ni Alden ng isang underground glass chamber para doon niya mape-preserve ang mga collection niya.

Catriona lumantak ng pag­kaing Pinoy sa New York!

Kitang-kita ang kasiyahan ni Miss Universe 2018 Catriona Gray nang ihain sa kanya ang mga paborito niyang Filipino food sa isang restaurant sa New York.

Dahil sa kanyang media tour, na-miss na raw ni Catriona ang kumain ng Pinoy food at puro na lang siguro mga American food ang laman ng tiyan niya.

Kaya noong makaharap na niya ang mga Pinoy food, nag-post ito agad ng video sa Twitter account ng Miss Universe Organization.

“First Filipino food in Flip Sigi in Downtown. We have adobo, sinigang, and adobo in a burrito with longganisa!” masayang sabi pa ni Catriona.

Ang Flip Sigi ay isang Filipino taqueria sa Downtown, New York. Ang head chef at owner nito ay ang Fil-American celebrity chef na si Jordan Andino. Lumabas na ito sa ilang reality cooking shows sa US tulad ng Chopped, Rachael Ray, The Today Show, Beat Bobby Flay, Worst Cooks In America, Cooks vs. Cons, DIRECTV’s Fantasy Zone, and Recipe for Deception. Lumabas din siya sa Kourtney & Khloe Takes The Hamptons.

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with