Arjo nakitang sinusundo si Maine sa studio ng EB!

May isang AlDub fan ang nagkuwento sa akin na isa raw sa mga fan ng nasabing love team ang iyak nang iyak.

“Nakita kasi niya na sinundo ni Arjo Atayde si Maine (Mendoza) sa APT Studio, kaya naiyak,” sabi ng isang kakilala ko na kakilala ang nasabing fan.

Hmph! Ang mga fan talaga, sobra kung magselos, huh!

Pero ano na nga ba talaga ang real score kina Maine at Arjo?

Well...

Snooky sinaway ng dyowa sa pulang-pulang buhok

May mga nakakita kay Snooky Serna na pulang-pula ang buhok.

Pero nang makita ko siya, medyo light brown na ito.

Ayon kay Snooky, sinabihan siya ng boyfriend na si Ramon Villarama na magpakulay uli.

“Conservative, ayaw na pulang-pula ang buhok ko,” sey ni Snooky na kagagaling lang ng parlor nang makita ko.

Bagay naman kay Snooky ‘yung pulang buhok niya na nakita ko sa isang picture, pero ang boyfriend niya ang ayaw, kaya naging masunurin siya at ipinaiba nga ‘yon.

Richard at Sarah todo bantay sa may sakit na anak

Sabi ni Annabelle Rama, okey na raw kahapon ang bunsong anak nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, si Baby Kai.

Wala na raw lagnat ang pinakabatang apo, pero, “May konting lubo na lang, pawala na rin.”

Pero hindi pa raw nakalabas ng hospital kahapon si Baby Kai.

Nagbabalat nga pala ang mukha ni Bisaya nang makita ko siya kahapon, pero dahil daw ‘yon sa isang cream na gina­gamit niya.

Mga isang linggo raw tatagal ang pagbabalat ng kanyang mukha at kapag natapos na ay makinis na makinis na naman ‘yon.

Danita tahimik ang lovelife sa dyowa na sobrang bait

Kasama ni Bisaya si Daisy Romualdez kahapon.

Kinumusta ko kay Tita Dai ang anak niyang si Danita Paner.

Katatapos lang daw ni Danita sa Los Bastardos ng ABS-CBN.

Sa ngayon, may non-showbiz boyfriend si Danita na sobrang bait at kaklase noong high school ng PBA (Philippine Basketball Association) player na si Jeron Teng.

Show comments