Lovi parang walang bra nang makipag-bonding kina Susan at Sen. Grace

May mga hindi nagustuhan ang white dress na suot ni Lovi Poe sa Christmas D­inner niya kasama sina Ms. Susan Roces, Sen. Grace Poe and her family at sa siblings ng dad niyang si Fernando Poe. Jr., at iba pang pamilya. Dapat daw, mas formal ang isinuot ni Lovi dahil pamilya ng dad niya ang nakaharap niya.

Sa photos na nakita namin sa Instagram (IG) ni Lovi, parang wala siyang bra at nakatali sa may chest area ang nagko-connect sa damit niya. May nagtanong kung bakit ganu’n ang style ng damit niya tuwing nakakasama si Ms. Susan. Ibig sabihin, may okasyon na rin na ganu’n ang style ng damit ni Lovi.

But reading the comments, mas marami ang natutuwa na muling nakasama ni Lovi ang family niya sa father side. Mas importante ‘yun kesa hanash ng ibang netizens na pati damit ni Lovi pinansin.

Saka, knowing Lovi, okay lang sa kanya na bina-bash siya sa style ng pananamit niya, deadma siya roon basta ginagawa niya kung ano ang sa tingin niya ay tama. In fairness to her, hindi pa naman siya nasasangkot sa iskandalo dahil lang sa suot.

Benjamin nagpaparamdam na

Nagpaparamdam na si Benjamin Alves, unti-unti siyang nagiging visible uli dahil may guesting na siya sa ilang show ng GMA 7. Ang latest ay ang episode ng Magpakailanman sa Saturday.

Nakita na rin namin ang photo niya kasama si Solenn Heussaff at mga kasama nila ‘yun sa isang pelikula. Ang natandaan namin ang sinabi ni Solenn na sobrang daring ang mga eksena nila ni Benjamin.

Pero, hindi pa rin nagpo-post si Benjamin sa Instagram (IG) niya at d­eleted pa rin ang lahat ng post niya. Also, hindi pa rin niya nila-like ang post ni Julie Anne San Jose at ang dating noon sa dati nilang shippers, break pa rin ang dalawa, war pa rin sila at hindi pa nag-uusap mula nang magkaproblema.

Paano kaya kapag nagkasalubong sina Benjamin at Julie Anne sa GMA Network? Sino kaya ang unang babati sa kanila?

Maymay hindi nakapagpigil nang makita si Marian

Nakunan ng pictures ang pagpa-fangirling ni Maymay Entrata kay Marian Rivera nang makita niya ito sa special screening ng Fantastica sa SM Mall of Asia. Sumama si Marian kay Dingdong Dantes na dumalo sa screening ng movie at present din ang ibang cast at si Richard Gutierrez.

Lumapit si Maymay kay Marian, nakipagkwentuhan at nakipag-selfie. Kita sa mukha ni Maymay ang tuwa na nakausap ang iniidolo niyang aktres.

May pictures din na pati si Loisa Andalio ay lumapit din kay Marian, tsumika at nagpakuha ng litrato. Hindi namin nakita si Kisses Delavin na fan din ni Marian na nauna na siyang nagsabi na love niya si Marian.

Present din sa morning screening ng movie sina Ruffa at Raymod Gu­tierrez bilang suporta kay Richard.

Bianca pinaghahandaan ang pagiging Badjao

Sabi ni Bianca Umali sa isang TV interview, may swimming lesson siya in preparation for her role in Sahaya, isa sa bagong teleserye ng GMA 7 na mapapanood simula sa February 2019.

Marunong lumangoy si Bianca at nag-scuba diving na rin siya para sa isa niyang ginawang teleserye, pero iba ang paghahanda niya sa Sahaya. Marami yata siyang eksenang lumalangoy at nasa dagat bilang isang Badjao ang ga­gampanan niya.

Bukod sa swimming, may dancing lessons din siya at kailangang pag-aralan ang sayaw ng mga Badjao.

Sina Bianca at Miguel Tanfelix uli ang magkatambal sa Sahaya na ikinatuwa ng Biguel shippers at ikinalungkot naman ng fans nina Bianca at Ruru Madrid. Tama lang naman dahil may pelikula sina Bianca at Miguel na showing sa 2019, under APT Entertainment titled Banal.

Kasama rin sa cast ng Sahaya si Migo Adecer, pero hindi nabanggit kung sino ang director at ang iba pang cast.

Show comments