Alden at Maine tuloy pa rin ang solo TV show at gagawing pelikula!
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - December 17, 2018 - 12:00am

Nakapag-record na pala ng dalawang singles si phenomenal star Maine Mendoza, ayon sa manager niya sa Triple A Management, si Rams David, nang makausap namin.

 

“Medyo matatagalan ang paglalabas ng kanyang debut album sa Universal Records, dahil siya ang susulat ng lahat ng songs sa album. Yung first single niya, pina-polish na, saka iyong isa para sa covers, nakanta na rin niya.

“Hindi lamang natupad ni Maine ang promise niya sa mga fans na i-release ito before the year ends, dahil naging busy siya sa shooting ng Jack Em Popoy: The Puliscredibles for the Metro Manila Film Festival (MMFF) starting this December 25, Christmas Day. Then kailangan din niyang mag-promote kasama sina Vic Sotto at Coco Martin kaya early 2019, after the MMFF aasikasuhin na niya ang pagtapos ng album.”

Puwede bang isama ni Maine ang first song na sinulat niya, ang theme song ng Imagine You & Me movie nila ni Alden Richards? Hindi raw puwede kasi nasa GMA Records na ang song, sa Universal Records naman si Maine.

Ano pa ang susunod na project ni Maine, next year? At may pag-asa pa ba na makagawa na sila ni Alden ng te­leserye or movie tulad nang naipangako nila noon?

“Nandoon pa rin sa APT ang contract nila to do a movie, at maaaring matuloy na iyon next year.  Maaari ring may solo TV show sina Alden at Maine, meron pa rin kasing Daddy’s Gurl si Maine.”

Kumusta naman sina Maine at Alden?

“Okey na okey sila, kahit nga sa Eat Bulaga, makikita mong masaya sila together at hindi naman binabawalan ang mga fans na kunan silang dalawa ng picture sa backstage off-cam. May mga times nga lamang hindi sila madalas magkasama sa EB dahil sa busy sila pare-pareho sa kanilang schedules. After ni Alden ng Victor Magtanggol i­l­a­n­g Sundays naman siyang nag-taping ng Daig Kayo Ng Lola Ko at si Maine naman every Tuesdays and Thursdays nasa taping ng Daddy’s Gurl lalo na ngayong malapit na ang Christmas vacation.”

Kung si Alden ay bakasyon na simula bukas, December 18, kailan naman ang Christmas vacation ni Maine?

“May parade of stars pa sina Maine sa December 23, at alam ko hanggang December 26 pa ang work ni Maine sa APT, kaya hindi ko alam kung kailan sila magbabakas­yon ng family niya, baka dito lamang sila sa malapit kasi ilang araw na lamang at 2019 na, live na ang EB ng January 1, at birthday na ni Alden ng January 2,” dagdag pa ni A­teng Rams.

Patricia hindi totoong tsinugi ni Willie!

Hindi totoo na tinanggal si Patricia Tumulak as one of the co-host ni Willie Revillame sa Wowowin kaya ilang araw na siyang hindi napapanood.

Nagpaalam si Patricia dahil kasama siya sa bagong sisimulang afternoon prime drama series na Inagaw Na Bituin. 

Gusto ni Patricia na muling mag-try ng acting after niyang makabilang sa cast ng Contessa noon ni Glaiza de Castro.

MAINE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with