^

Pang Movies

Anne 10 years namahinga sa MMFF

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Anne 10 years namahinga sa MMFF

Twenty one years na sa showbiz ang actress-TV host and celebrity endorser na si Anne Curtis kaya marami-rami na rin ang pinagdaanan nito na siyang lalong nagpatatag sa kanya bilang isang tao.

 

Si Anne ay dose anyos pa lamang nang siya’y mag-discover ng talent manager na si Annie Ayroso na unang nagpa-audition sa kanya sa iba’t iba talent agencies for TV commercials hanggang siya’y mapunta sa bakuran ng Viva Films kung saan naman unang ginawa niya ang first movie in 1997, ang Magic Kingdom. Hindi nagtagal ay nasa pangangalaga na siya ng Viva Artists Agency (VAA) na pinamumunuan ni Veronique del Rosario-Corpus.

Sa pamamagitan ng VAA ay napasok si Anne sa bakuran ng GMA-7 kung saan siya unang nakagawa ng ilang TV shows at taong 2004 naman hanggang ngayon ay nasa bakuran na siya ng ABS-CBN with VAA still managing her career.

Si Anne ay 23 years old nang gawin niya ang pelikulang Ba­ler in 2008 na pinagtambalan nila ni Jericho Rosales na dinirek ni Mark Meiley for Viva Films at napasama sa 2008 Metro Manila Film Festival. Ang nasabing pelikula ang nakapag-bigay kay Anne ng kanyang kauna-unahang acting award dahil siya ang tinanghal na Best Actress sa 2008 MMFF awards night.

Pagkalipas ng sampung taon ay balik na naman si Anne sa MMFF via Aurora, isang horror-thriller movie na pinamahalaan ni Yam Laranas under Viva Films pa rin at Aliud Entertainment.

Ang Aurora ay pangatlong horror movie na gagawin ni Anne. Nauna na rito ang Ika-13 Kapitulo nung 2000 at ang Wag Kang Lilingon nung 2006.

At 33, anak na lamang ang kulang kay Anne at ng kanyang husband of more than one year, ang restaurateur-blogger na si Erwan Heussaff na inaasahan nilang mangyari hopefully sa isang taon dahil pareho na umano silang handa na maging brand new parents.

Ang couple na sina Anne at Erwan ay ikinasal sa Queensland, New Zealand nung November 12, 2017.  Kababalik lang halos sa bansa ng mag-asawa mula sa kanilang month-long delayed honeymoon sa South Africa. 

vuukle comment

ANNE CURTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with