Annabelle mahilig mamakyaw ng tabloids
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - December 8, 2018 - 12:00am

Ang saya, Ateng Salve, ang bilis talaga ng panahon, aba, 15 years na ng Pang-Masa, huh!

 

Alam mo, Ateng Salve, hindi lang 15 reasons kung bakit love ko ang tabloid na ito, pero tatlo na lang ang sasabihin ko.

Siyempre, isa ka roon, Ateng Salve, kasi nakikita ko ang sobrang dedication mo sa paghawak ng entertainment section ng PM. Hindi rin puwedeng mawala sa list ko si Sir Miguel Belmonte, ang ating big boss, na una kong nakilala sa Cebu City noong 1998 nang ipakilala siya sa akin ni KC Guererro at na-discover ko nga na nag-model pala siya. Sayang nga lang at hindi niya tuluyang pinasok ang showbiz dahil for sure, sa bait at guwapo niya, posibleng sumikat siya, ‘noh?!

Ang pangatlong reason ko, ang readers natin na sobra talaga tayong sinusuportahan!

At dahil love ko ang readers natin, sa mga magse-share sa social media (Facebook, Twitter at iba pa), mamimili ako ng 15 na bibigyan ko ng iba’t ibang gift packs o gift certificates mula sa ilang mga kaibigan.

So, happy 15thanniversary to all of us, yes, kasama pati ang readers natin na walang sawang bumibili ng PM araw-araw, huh!

Sa 15 years ng PM, ilang taon pa lang ako napasali rito, pero belong na belong na ako!

Ang 15 stars/singers/players na madalas kong maisulat dito ay sina Richard Gutierrez, Sarah Lahbati, Ruffa Gutierrez, Raymond Gutierrez, Annabelle Rama, Regine Velasquez-Alcasid, Ogie Alcasid, Martin Nievera, Lovi Poe, Pops Fernandez, Assunta de Rossi, Karla Estrada, Donita Rose, Jeron Teng at Jeric Teng.

Actually, lahat sila, very thankful kapag lumalabas dito sa Pang Showbiz page ng PM!

Si Richard nga, sobrang thankful kapag nasusulat ang kanyang mga proyekto rito, lalo na ang Fantastica, ang first movie project nila together ni Vice Ganda at isa sa eight official entries sa Metro Manila Film Festival 2018!

At alam mo ba, Ateng Salve, hindi lang isang piraso ng PM ang binibili ni Tita Annabelle araw-araw. Kapag may publicity rito ang kahit na sinong miyembro ng kanyang pamilya, pinadadalhan niya ng kopya ng PM (pati na rin ng Pilipino Star Nga­yon) ang lahat ng kanyang mga anak, huh!

JM apektado na naman ang buhay kay Barbie

Speaking of Richard, marami na ang excited sa nalalapit na pagsasama nila ni Jennylyn Mercado sa isang Star Cinema movie.

Pagpasok nga ng January ay sisimulan na nila ‘yon.

Kasama nila sa project na ‘yon si JM de Guzman. At sana naman by the time na simulan nila ang project na ‘yon ay okey na okey na si JM na napapabalitang “affected” daw sa “problema” sa pagitan nila Barbie Imperial, huh!

Kung magiging busy naman si JM sa ilang showbiz projects niya, for sure, makakatulong ‘yon para maging okey talaga siya!

 

JM DE GUZMAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with