Aktres hindi nagkamali nang tumangging magbida!
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - December 7, 2018 - 12:00am

Hindi nagkamali ang isang aktres nang tanggihan nito ang television project at ang role na tailor-made para sa kanya dahil hindi na magtatagal sa ere ang programa.

 

Nang magbago ang isip ng aktres, nakarinig siya ng mga negative reaction dahil pinakawalan niya ang malaking oportunidad.

Ang ending, right decision pala ang ginawa ng aktres na hindi naman nagmamadali at willing maghintay ng ibang project na talagang hahamon sa husay niya sa pag-arte.

Hindi nag-iisa ang aktres dahil tumanggi naman ang another actress na magbida sa isang pang-umaga na television series.

May mga nanumbat sa aktres dahil sinayang daw nito ang pagkakataon na magbida sa isang teleserye pero sa bandang huli, tama ang pasya niya dahil never na nanalo sa ratings ang show na kanyang tinabla.

Prince naka-move on na sa break up

Naka-move on pala  si Prince Stefan sa break up nila ng kanyang boyfriend na Singapore-based.

Ngayong single na uli siya, naka-focus ang atensyon ni Prince sa kanyang showbiz career. Waiting siya sa bagong project niya sa isang television network at siyempre, gay uli ang kanyang role.

Hindi na namimili si Prince na mga gagampanan na karakter dahil mas mahalaga na may trabaho siya at nagagawa niya ang kanyang first love, ang pag-arte.

Double meaning...

Halatang double meaning ang mga name ng mga karakter sa pelikulang Fantastica, ang pelikula ni Vice Ganda na official entry sa Metro Manila Film Festival 2018. Bellat ang pangalan ni Vice sa Fantastica at mga kapatid naman niyang sina Donny Pangilinan, Edward Barber at Ronnie Alonte na Pepe, Junjun at Daks ang mga name.

Kung paiiralin ng mga tao ang malisya, alam nila na may kapilyuhan ang mga pangalan ng mga karakter ng Fantastica.

Si Barry Gonzales ang direktor ng filmfest movie ni Vice Ganda. Pumayag agad si Vice Ganda nang sabihin sa kanya na si Barry ang direktor dahil nagtrabaho ito noon bilang assistant director ni Wenn Deramas.

Nang mamatay si Wenn, parang napilayan si Vice dahil perfect nga ang kanilang tandem.

Favorite director din ni Vice si Joyce Bernal na direktor ng box office hit movie niya sa MMFF noong 2017, ang Gandarrapiddo: The Revenger Squad.

PRINCE STEFAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with