Jake Zyrus dedma sa panlalait sa engagement

Kung may mga naging masaya sa ginawang announcement ng transman na si Jake Zyrus (formerly Charice Pempengco) ng kanyang engagement with Shyre Aquino, meron din naman hindi natuwa rito.

Nakatanggap ng mga harsh comment mula sa ilang netizens ang naging engagement announcement ni Jake. May ibang nagsabi na ayusin daw muna nito ang relasyon niya sa kanyang ina na si Raquel Pempengco bago niya ipagmalaki ang pagkaka-engage niya. May iba naman ay sinasabi na gumigimik si Jake para mapag-usapan.

Pero mukhang hindi naman apektado si Jake sa natatanggap na bashing dahil balik-recording na siya para sa kanyang ila-launch na digital album sa 2019.

Kylie at Aljur aligaga sa kasal

Nag-share sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica ng behind-the-scenes photos ng kanilang official prenup pictorial and video shoot via Instagram.

Super-happy si Kylie sa naging resulta ng kanilang pre-nup shoot at hindi na ito makapaghintay na mapanood ito ng kanilang pamilya at mga kaibigan.

“Thank you so much to this team, we had our official pre-nup pictorial and video shoot yesterday and we are so happy with your works of art!!! Thanks guys. Kunin ko kayo sa mga future films and projects ko ah. Naks,” post ni Kylie on Instagram.

Ang photography team nila Kylie at Aljur ay ang The Proud Rad na ang videographer ay si Bob Nicolas and the set design team ay ang Rabbithole Creatives.

Samantalang masaya naman ang ama ni Kylie na si Robin Padilla sa paghahanda ng dalawa sa kanilang pagpapakasal.

Unang lumabas na balita ay November 18 ikakasal sila Aljur at Kylie, pero walang kasalan na naganap dahil kakatapos lang mag pre-nup shoot ng dalawa.

 Wala pang nababanggit na date at venue ng kanilang wedding sina Kylie at Aljur kaya ina­abangan na lang ito ng kanilang followers sa social media.

Taylor Swift pinataob na ang The Rolling Stones

Pagkatapos na mahirang na most influential celebrity on Twitter, muling nakapag-break ng record si Taylor Swift dahil sa kanyang Reputation Stadium Tour.

Ang tour ni Taylor ang highest-grossing U.S. tour according to Billboard Boxscore. Nagtala ito ng $266.1 million with over 2 million tickets sold domestically. Tinalo na nito ang record ng The Rolling Stones na kumita ng $245 million gross from their A Bigger Bang Tour in 2005-2007.

Ang nabuong show ng The Rolling Stones ay 70 samantalang si Swift ay na-break ang record with just 38 shows mula May 8 hanggang October 6.

Na-surpass ni Taylor ang sarili niyang record as the highest-grossing domestic tour by a woman noong 1989 World Tour niya na kumita ng $181.5 million in 2015.

Ang biggest audience ng Reputation tour ni Taylor ay sa Metlife Stadium in New Jersey noong July 2018 na nag-gross ng $22 million and sold 165,654 tickets.

Consistent ang paglaki ng record ni Taylor pagdating sa kanyang concert tours. Ang unang tour niya na Fearless noong 2009-2010 ay kumita ng $53.6 million. Ang kanyang Speak Now Tour in 2011 ay may gross na $88.5 million. The Red Tour in 2013 ay may $98 million gross.

Sa kabuuan, nag-gross na si Taylor ng $687.7 million in the U.S. on her tours alone more than any other artists.

Show comments