Jose Mari, first choice si Lea sa Christmas…

JMC

Kinunsidera ni Jose Mari Chan si Lea Salonga para maka-duet sa super-hit niyang Christmas song na Christmas in Our Hearts. That time, maingay na maingay ang name ni Lea dahil sa hit musical play niyang Miss Saigon.

 

Naging hadlang nga lang ang pagkakaiba nila ng record label ni Lea kaya pumasok sa isip niya si Monique Wilson na produkto rin ng Miss Saigon. Pumayag naman si Monique pero nu’ng schedule ng recording, nawala ang boses niya.

Kaya napunta sa anak niyang si Liza ang nawalang oportunidad nina Lea at Monique. As we all know, history ang version ni Joe Mari at Liza sa kanta na hanggang ngayong ay paboritong Christmas song ng marami.

Pero sa totoo lang, ayon kay Jose Mari sa presscon ng Christmas concert niyang Jose Mari Chan: Coming Home For Christmas, hindi agad ito nagustuhan ng yumaong si Bella Tan ng Universal Records.

“It’s so Christian. ‘Yun ang reason niya. So we did Perfect Christmas na mas gusto niya because romantic daw ang dating,” kuwento pa ng veteran singer-songwriter.

Sa darating na concert sa December 22 sa The Theater, Solaire Resorts Casino, isasalang ni Jose Mari ang isa niyang apo para kumanta bukod sa anak niyang si Liza.

Of course, bukod sa timeless Christmas songs, mapapakinggan din sa concert ang iba niyang hit songs at darayo rin siya sa Australia para ipa­rinig ang musika mula sa production ng kanyang avid fans na pinamunuan ni Dra. Rhoda Espino ng Metro Esthetico Skin and Wellness Center in coope­ration with Star Media Entertainment ni Ana Puno. Special guest ang Kapuso singer-acress na si Rita Daniela.

Direktora hindi nalalasing kahit inom nang inom

Malakas ang tolerance sa alak. ‘Yan ang napansin ng isang hindi umiinom na direktora nang makasama sa isang night out ang baguhang direktora.

Eh health buff ang nakapansing direktora kaya hindi siya napilit mapainom ng mga kasama.

Well-behaved naman ang mga direktorang umiinom kapag may ginagawang movie. ‘Yun nga lang, mas mahigpit lang sila sa mga babaeng artista na katrabaho kesa sa mga lalaki, huh!

May nabalitaan nga kami sa isang direktora nang tinalakan ang isa niyang artistang babae na dahil sa hirap na hirap gawin ang ipinagagawa sa kanya, nag-excuse muna siya bago kunan uli ang eksena para umiyak nang umiyak!

Show comments