^

Pang Movies

Iza handa na sa kasal!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Iza handa na sa kasal!
Iza Calzado

Hindi pa naglalabas ng mga detalye tungkol sa kanilang destination wedding si Iza Calzado at ang kanyang fiancée na si Ben Wintle pero nakarating sa akin ang balita na magaganap ang pag-iisang dibdib nila bago sumapit ang Pasko.

Ngayon pa lang, naiisip ko na ang itsura ni Iza sa araw ng kasal nila ni Ben. Siguradong beautiful and glowing bride siya dahil lulutang nang husto ang kagandahan niya.

Sayang nga lang dahil ulilang-lubos na si Iza pero tiyak na maligaya ang kanyang mga magulang dahil natagpuan na niya ang lalake na makakasama sa habampanahon.

Sa ganda ni Iza at sa guwapo ni Ben, sure ako na magiging maganda at guwapo rin ang kanilang mga magiging anak.

Alden nakakaramdam ng sepanx

Ngayon ang last day sa telebisyon ng Victor Magtanggol kaya sure ako na malungkot ang stars and staff ng primetime teleserye ng GMA-7 dahil naging close sila sa isa’t isa.

Limang buwan din na magkakasama ang mga artista at production crew ng Victor Magtanggol kaya normal lang na makaramdam sila ng separation anxiety.

Magpapahinga muna si Alden pagkatapos ng Victor Magtanggol at malamang na matagalan bago uli siya magbida sa isang primetime teleserye dahil sa rami ng kanyang mga commitment na dapat tuparin.

Nadine ipa-partner din kay Sam

Hindi pa yata tapos ang shooting ng Ulan pero may bago nang movie project si Nadine Lustre sa Viva Films.

Ang dinig ko, si Sam Concepcion ang leading man ni Nadine sa pelikula na hindi pa tiyak ang title pero sisimulan agad ang filming kapag naayos na ang kanilang mga schedule.

Paolo puwede sa Balangiga ni Direk Chito

Hinihintay lang ni Chito Roño ang pagbabalik sa Pilipinas ng Balangiga Bells ng Balangiga, Samar bago niya umpisahan ang shooting ng kanyang long overdue movie na tungkol sa Balangiga Massacre na nangyari noong 1901.

Lalake ang bida sa pelikula na gagawin ni Chito kaya naghahanap na siya ng aktor na 30-years old ang edad.

Kapag nakausap ko si Chito, sasabihin ko sa kanya na i-consider si Paolo Contis na bida ng Balangiga movie niya.

May karapatan nang magbida sa pelikula si Paolo dahil all praises ang lahat sa acting niya sa Through Night and Day.

Kung si Christian Bables ang pinili ni Chito para magbida sa Signal Rock, bakit hindi si Paolo sa Balangiga movie dahil sobrang galing niya sa Through Night and Day.

vuukle comment

IZA CALZADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with