Legal battle nina Kris at Nicko Falcis, pangteleserye!

Nicko Falcis

Parang teleserye ang legal battle ni Kris Aquino laban sa dati niyang business manager na si Nicko Falcis.

Inaabangan kung hanggang saan hahantong ang legal battle ng dalawa.

Kahapon, tinutukan sa social media ang live updates ng tungkol sa legal battle na ‘yon.

Parehong nai-cover ng TV5 showbiz anchor na si MJ Marfori ang press conference ng kapatid ni Nicko na si Atty. Jesus Nicardo Falcis III at ang pagpunta ni Kris sa Mandaluyong Hall of Justice para sa reklamo nito laban sa dating business manager.

Nag-live sa kanyang Facebook account si MJ sa dalawang “event” kahapon at maraming nanood doon!

Parehong ang bongga ng mga dialogue nina Atty. Falcis at Kris!

In fairness, bagay pagsamahin sa isang talk show ang dalawa, huh!

Pops at Martin parang sina Ogie at Michelle ang relasyon

Nakaalis na ng bansa si Martin Nievera para sa DZMM shows sa London, United Kingdom at Rome, Italy bukas at sa Sunday, respectively.

Noong Tuesday night naman, ginanap sa Tagaytay City ang surprise advance birthday dinner para sa manager ni Martin na si Joy Alonzo. Nag-attend din doon si Pops Fernandez.

Nandun din ang girlfriend ni Martin na si Anj na friend na rin ni Pops. Maganda ang samahan ng tatlo.

Nauwi man kasi sa hiwalayan si Martin at Pops, in fairness, sobrang friends naman!

Para silang sina Ogie-Regine (Velasquez) Alcasid at Michelle van Eimeren at Mark Murrow na sobrang closeness.

Ang kaibahan nga lang, walang partner si Pops na nakakasama, kaya silang tatlo lang. Madalas na sabihin ni Pops na wala siyang love life ngayon. Ang iniisip naman ng iba, malihim lang talaga si Pipay (paboritong tawag sa kanya ng mga taong malalapit).

Anyway, advance happy birthday kay Joy Alonzo na in fairness ay napakaganda ang pag-aalagang ginagawa sa career ni Martin!

Concert ni Regine hinihiritan ng fourth night!

All roads lead to New Frontier Theater tomorrow para sa pagsisimula ng Regine at the Movies concert series ng Asia’s Songbird na si Regine.

Ang alam ko, sold out ang tickets para sa concert na ‘yon kung saan ay special guest ng misis ni Ogie si Piolo Pascual.

Hindi bale, puwede pa namang makahabol ng tickets para naman sa November 24 kung saan guest ang Megastar na si Sharon Cuneta at sa November 25 na guest si Daniel Padilla.

May mga nagsasabi nga pala na bakit hindi maglagay ng fourth night para sa Regine at the Movies?

Ang alam ko, malabong mangyari ‘yon dahil ‘yung third night ay idinagdag nga lang talaga dahil ang original ay two nights lang ‘yon!

Show comments