Zanjoe wala sa bucketlist na magdyowa ng bakla!

Zanjoe Marudo

Vice ‘di pinatos...

Open pala si Vice Ganda sa kanyang admiration kay Zanjoe Marudo. For him, Zanjoe represents the perfect man na gusto niyang maging special someone, kung naging babae lang daw sana siya.

But as Vice Ganda says, he has always been aware na isa siyang gay and he is happy about it.

Meanwhile ‘di rin inililihim ni Zanjoe na ma­tindi ang paghangang nararamdaman niya kay Vice Ganda, dahil mabait daw ito at isang achiever, lalo na sa kanyang entertainment career.

Ganunpaman, wala raw sa bucket list ni Zanjoe at magkaroon ng affair with someone who is gay or a transgender, but he is open to having them as friends.

Sa ngayon, it’s an open book na si Zanjoe ay loveless at wala nang pag-asa pang magkakabalikan sila ng dating girlfriend na si Bea Alonzo, who is currently the lovelife ni Gerald Anderson, and vice versa.

Nag-imbita naman si Zanjoe na panoorin ang kanyang still currently showing movie na To Love Some Buddy with Maja Salvador.

Maine at Vic sanay na maging mag-ama!

Now it’s final. Sina Vic Sotto at Maine Mendoza ay gaganap na namang mag-ama sa 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry nila na Jack Em Popoy: The Puliscredibles.

Mag-ama rin ang role ng dalawa sa comedy series nilang Daddy’s Gurl sa GMA-7 at sa Lenten Special ng Eat Bulaga na Taray Ni Tatay.

Leading lady naman ang role ni Maine kay Coco Martin sa nasabing pelikula, at tiyak din na si Coco ang direktor nito pero ang totoo niyang pangalan na Rodel Nacianceno ang kanyang gagamitin. Isa rin siya sa mga producer para sa kanyang CCMM Film Production with Vic Sotto’s MZET Productions and Tony Tuviera’s APT Entertainment.

Sa December 25 na ang official start ng MMFF.

Kim ‘di pa nahahanap ang one great love?!

Sino nga kaya ang great love ng Chinita Princess na si Kim Chiu?

Bida kasi ngayon si Kim sa bagong pelikulang handog ng Regal Entertainment Inc., ang One Great Love na idinirek ni Eric Quizon. Kasali ito sa MMFF 2018 bilang entry.

Kasama ni Kim sina Dennis Trillo and JC de Vera bilang kanyang mga leading man.

Common knowledge naman na a few years back, noong mag-best friend pa sila ni Maja, nagkaroon sila ng ‘di pagkakaunawaan nito dahil in-entertain nito diumano bilang manliligaw si Gerald, samantalang alam niya na kabi-break pa lang nila noon ni Kim.

After ng breakup ni Maja kay Gerald, walang napabalitang nagkaroon siya ng boyfriend.

Dr. Carl Balita nagtuturong magnegosyo sa halagang P500!

Sa 18 years na pag-a-anchor ng programang Radyo Negosyo, ipinagmamalaki ni Dr. Carl Balita na marami siyang natulungan at na-inspire na magnegosyo. At lahat ito ay bumuti ang lagay ng buhay.

Ang pinupuntirya niya raw ay ‘yung mga taong willing mamuhunan and of course, may ambisyong umasenso sa buhay, willing mag-trabaho at magsimula sa ibaba.

For a mere P500 na puhunan, puwedeng mag-negosyo ang isang tao. Diskarte lang ang kailangan.

Magsimula sa maliit na negosyo. Halimbawa sa pagluluto ng toron, o paggawa ng iba pang kakanin na afford ng simpleng mamimili.

A registered nurse and midwife in real life, bukod sa isang licensed teacher, adbokasiya ni Dr. Carl Balita ang turuan ng pagne-negosyo ang masang Pilipino.

Mapapakinggan ang programa ni Dr. Carl Balita, titled Radyo Negosyo, Sabado ng gabi, 7:30 to 9:00 pm, DZMM Teleradyo.

He welcomes din those who would want na makausap siya ng personal.

Show comments