Bagong anak ni Gabby, hawig din kay KC

KC

Nakita na rin finally ang isa sa mga anak ni Gabby Concepcion sa wife niya ngayon sa video na kuha sa birthday dinner ng aktor with his family. Sa napanood naming video, si KC ang may hawak ng cellphone at nahagip ang isang bata na katabi ni Gabby.

 

Sandali rin lang namin nakita ang mukha ng bata na hawig din kay Gabby at kina KC. Hanggang ngayon, hindi pa ipinapakita ni Gabby ang wife niya at dalawang anak, for their privacy na rin.

Anyway, habang hindi pa nagti-taping si Gabby sa rom-com series nila ni Jennylyn Mercado sa GMA 7, panay muna ang show niya sa ibang bansa. May mga show din siya rito, kaya busy pa rin ang kanyang schedule.

Wala pang title ang series nina Gabby at Jennylyn na sa February 2019 pa ang airing at ipapalit daw sa Pamilya Roces.

Christian nasarapan kay Cora

Napansin ng mga reporter sa presscon ng Regal Entertainment movie na Recipe for Love na may hawig si Cora Waddell kay Dawn Zulueta, lalo na ‘pag tumatawa siya. Maputi lang si Cora, pero may hawig talaga sila at pareho ng aura.

Kwento ni Cora, wala pa siyang asawa at hindi pa preggy nang simulan nila ang shooting ng movie under director Joey Reyes. Ngayon, four months pregnant na siya at mabuti na ipalalabas na ang pelikula niya sa November 21.

Sabi naman ni Cora, tuloy pa rin ang showbiz career niya kahit married at preggy na siya at okey ito sa husband niyang si Terrence Lloyd na isa ring model. Nag-google agad ang mga reporter to know Terrence, pero wala silang mahanap.

May kissing scene sina Cora at Christian Bables sa Recipe for Love at “masarap” ang sagot ni Christian kung ano ang lasa nang halikan niya si Cora na napangiti na lang.

Ken, kakaiba ang ipapakita sa Maynila

Maninibago ang nakakapanood kay Ken Chan sa three-part special anniversary ng Maynila for the show’s 20th anniversary dahil normal siya dito. Hindi gaya sa role niya sa afternoon soap ng GMA-7 na My Special Tatay na may mild mental disability siya at apektado ang pagsasalita.

Kasama ni Ken si Ruru Madrid na gaganap na kanyang kapatid at sabay silang haharap sa pasubok at mga problema sa buhay. Kasama rin sa cast sina Patricia Javier as their mom at si Ayra Mariano.

Si BUHAY Partylist Congressman Lito Atienza ang host ng Maynila at lumalabas din siya sa episode. Ang anak ni Cong. Lito na si Lei Alvarez-Valdepeñas ang producer ng daytime drama na napapanood, 9:45-10:45am.

Direk Erik at Sharon may nilulutong pelikula?!

Tama ba ang basa ng netizens na nakabasa sa hashtag sa post ni director Erik Matti na si Sharon Cuneta ang tinukoy niyang “I’m just lucky to be working with the best actors in the industry. Looking forward to working with another one. #icon #megamovie #soon.”

May mga nagtanong kay direk Erik kung si Sharon ang tinutukoy niya, pero hindi sumagot si direk Erik at hindi naman talaga sasagot ni direk Erik, lalo na kung totoo ang hula ng mga nakabasa.

Tapos na ang shooting ni Sharon sa Star Cinema movie nila ni Ormoc City Mayor Richard Gomez na Three Words to Forever, kaya pwede na siyang gumawa uli ng pelikula. Pero, si Sharon ba talaga ang tinutukoy ni direk Erik?

Show comments