Beteranong aktor na si Bangkay, nakitang walang buhay sa beach resort

Namatay o nagpakamatay?

Hindi pa nga naililibing si Rico J. Puno, heto at sumakabilang buhay naman ang character actor na si Nonong de Andres o higit na nakilala bilang Bangky sa ginawang horror movies. Ang pamangkin ng aktor na si Pewee Capino ang nag-post ng pagkamatay ng tiyuhin kahapon sa edad na 71.

“Please pray for the eternal repose of the soul of my Tito Nonong who passed away early this morning,” post ni Capino.

Sa ginawang horror movies, nata-typecast si de Andres sa role niyang bangkay kaya naging Bangky ang screen name niya.

Huli siyang napanood sa TV series na Forevermore nina Liza Soberano at Enrique Gil.

 Ang aming pakikiramay sa naulila niya.

Vice Gov. Jolo at Vice Mayor Janella magkaklase sa Harvard!

Magkakaklase sina Cavite Vice Governor Jolo Revilla, San Juan City Vice Mayor Janella Estrada at San Juan, La Union Councilor Migz Magsaysay sa Harvard School sa Cambridge, Massachusetts para mag-aral ng public policy at leadership.

Incumbent Vice Mayor ng San Juan si Janella at mayor ang target niyang posisyon sa halalan next year. Inilabas niya ang picture nilang tatlo sa kanyang Facebook at nagpapasalamat sa oportunidad na dumating sa kanila.

Vice Governor pa rin ang tatakbuhin ni Jolo habang si Migz, apo ng Senior Citizen Party List representative Mila Magsaysay, Mayor ng San Juan ang tatakbuhan niya. Level up na ang tatlong ito na handa nang sumabak sa mas matataas na posisyon sa mga susunod na taon, huh!

Show comments