Vilma
Kaya hindi mukhang Lola, Vilma yosi lang ang naging bisyo!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - November 3, 2018 - 12:00am

Ngayong araw na ito ay birthday ni Congresswoman Vilma Santos. Pero sorry to say wala po kaming permiso para sabihin kung ano na ang edad ngayon ni Ate Vi. Kung titingnan naman ninyo sa ngayon, eh sasabihin nga ninyong talagang mukha naman siyang 37 lamang. Iyon din ang sinasabi niya basta may nagtatanong kung ilang taon na siya.

 

Iyang pagtanda naman, hindi maiiwasan iyan nang kahit na sino. Ang importante, iyong tumanda ka nang may pinagkatandaan. Tingnan ninyo si Ate Vi, nagsi­mula siya bilang isang artista, pero hindi siya nagkasya sa pagiging isang artista lang. Natatandaan namin ang sabi niya noon, bilang isang artista puro utang na loob lamang sa publiko ang natamo niya. Hindi naman siya sisikat nang ganyan kung di dahil sa suporta ng mga tao, kaya utang na loob na niya iyon. Dumating ang panahon na ang naramdaman niya, kailangang suklian niya kahit na papaano ang kanyang utang na loob sa publiko, at iyon ang dahilan kung bakit naman siya pumasok sa pulitika.

Bilang aktres, ilang ulit na nga ba siyang naging best actress? I­lang ulit na nga ba siyang iniakyat sa Hall of Fame ng mga award giving bodies? Bilang isang lingkod bayan naman, nakuha na niya ang Prediential Lingkod Bayan award, ang pinaka mataas na karangalang maaaring ipagkaloob sa isang civilian government official. Kaya nga masasabi mong talagang binigyan naman niya ng saysay ang kanyang buhay.

Hindi mo nabalitaan si Ate Vi na nagwaldas sa buhay. Hindi mo nabalitaang naglalasing, nagsusugal o kung ano mang bisyo si Ate Vi. Pero hindi naman niya ikinakaila na may panahon sa kanyang buhay na nag-sigarilyo rin siya. Hanggang doon lang ang bisyo niya.

Tingnan naman ninyo, dahil nga walang bisyo at maalaga sa kanyang katawan, mukha nga siyang 37 lang. Hindi kagaya ng iba na talagang hanggang lola na lang ang papel dahil mukha na talagang lola.

Si Ate Vi, madagdagan man ang kanyang edad sa pagdaraan ng panahon, masasabi mong siya naman ang may pinagkatandaan talaga. May kabuluhan ang ginawa niya sa kanyang buhay.

Aktor tinakbuhan ang Beauty Queen na nabuntis matapos dalhin sa Amerika

Totoo iyon Salve, kawawa ang beauty queen. Noong mabuntis, dinala siya sa US nang nakabuntis sa kanyang aktor para maitago ang pagbubuntis niya. Papaanong hindi itatago eh kasabay niyang nabuntis din ang isa pang girlfriend ng nakabuntis sa kanyang aktor. Hindi naman siya sinuportahan noong nasa Amerika na siya. Mabuti at may isa siyang kaibigang pastor ng isang sekta roon na siyang nangalaga sa kanya hanggang makapanganak. Lalaki ang kanyang naging anak. Common knowledge iyan sa mga Pinoy sa Amerika.

Matapos iyan nagbalik sa Pilipinas ang beauty queen kasama ang kanyang anak. Nabuko rin iyon kasi nakita sila ng tatay ng kanyang anak sa isang upscale store sa Makati kung saan inilagay pa nila sa gift registry ang kanilang anak, at ang preferred nila shoes na iregalo sa anak nila.

Pero bukod doon, wala kaming nabalitaang sinuportahan ng tatay ng kanyang anak sa beauty queen, na nagtayo na lang ng sarili niyang negosyo. Three years old na ngayon ang anak niyang lalaki, at mag-isa niya iyong pinalalaki. Ang kinakasama ng tatay ng kanyang anak ay ang isa pang girlfriend noon kung saan mayroon na rin itong tatlong anak.

Minsan talaga may mga lalaking magaling mambola, maski nga may asawa naiisahan pa niyan eh.

VILMA SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with