^

Pang Movies

Dingdong, Marian at Zia trending ang ginawa sa Undas

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Dingdong, Marian at Zia trending ang ginawa sa Undas
Dingdong, Marian at Zia

Panalung-Panalo ang Halloween costume ng Dantes Family na sina Dingdong, Marian at Zia bilang mga kalaban ni Batman.

Ang bongga sa kanilang tatlo ay si Zia dahil binihisan siyang batang Joker habang si Yan ay si Poison Ivy at si Riddler naman si Dong.

Sa totoo lang kasi, hindi ‘yung nakikita nang nakakatakot na costume ang suot nila. Pinag-isipan at ginastusan talaga. Kaya naman sa Instagram post ng foto ni Yan ay umabot na sa halos 500k likes.

Ang ilan pang showbiz families na naki-Halloween ay ang mag-inang Judy Ann Santos at Luna, at Drew Arellano, Iya Villania at dalawang anak,

Higit nga lang pinagpistahan ang Dantes family dahil halos plakado nila ang Batman villains.

Angel at Neil King and Queen ang turingan

Magkasama ang lovers na sina Angel Locsin at producer Neil Arce na isinelebreyt ang Halloween sa Los Angeles, California in full costume.

Hindi agad nakilala ni Coleen Garcia ang lala­king kasama niya. Tugon ni Angel, “@coleen neil with hair.”

Saad ni Neil sa post ng girlfriend, “My queen” at si Gel, “My king of the north.”

So tuloy pa rin talaga ang relasyon nina Angel at Neil, huh!

AiAi gustong gayahin si Jennifer Lopez!

Malupit ang balak gayahin ni AiAi de las Alas sa susunod na public appearance niya – si Jennifer Lopez!

Of course, hindi naman siya magmi-make up transformation gaya ng idolo niyang si J-Lo, huh!

Ipinasilip niya sa Instagram ang litrato ni Lopez na ang suot ay parang isinampay lang ang telang green at kita ang kalahati ng katawan niya!

“Good morning...ang aga-aga pero gusto ko lang I share and headsup na gagawin ko kahit anong mangyare hehe...Natakot ba kayo? Tamang tama Nov. 1 ngayun hehe...mema lang pero seryoso gagayahin ko to kahit ma bash ako hehe,” caption ni AiAi.

Eh maganda ang natanggap niyang comments sa followers niya kaya go signal na ‘yon sa kanya para ituloy ang balak niya.

vuukle comment

DANTES FAMILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with