Sharon damay na sa bashing kay Regine!

Sharon Cuneta

Ni-repost ni Sharon Cuneta ang ratings ng ASAP at Gandang Gabi Vice base sa Kantar Media kung saan ay makikitang panalo naman ang mga nasabing Kapamilya shows kung saan nag-guest si Regine Velasquez.

Sa caption ni Sharon ay binati niya si Regine para sa mataas na ratings.

“K A P A M I L Y A!!!!!!!!! I told you! Ang INAAPI AY PINAGPAPALA. MABUTI KANG TAO. MABUTING TAO SI OGIE (Alcasid). DI KAYO PABABAYAAN NG PANGINOONG DIYOS. HINDI NA NILA KAYO MABUBUWAG!!! Mabuhay, my love Regine, Kapamilya!!!!!” ang caption ni Sharon.

Sa comments section ay sumagot naman si Regine ng “thank you my Mega. Love you.”

As we all know, napakaraming pangba-bash na natanggap ni Regine at sinisisi siya sa paglipat sa Kapamilya’t ang pagsasabi ng hindi maganda sa GMA-7 during her solo presscon.

Umabot na sa puntong gusto nang magdemanda ni Regine dahil sa tindi ng mga panglalait sa kanya.

Nag-post naman din agad ng pag-acknow­ledge si Regine sa pagkakapanalo ng SPS at KMJS/SNBO at kasabay nito ay naglabas siya ng open letter sa kanyang mga bashers kung saan ay ipinahayag niya ang kanyang mga sama ng loob.

Pero sa kabila nito ay napakarami pa ring bashers na tumutuligsa kay Regine at ayaw pa rin talaga siyang tigilan.

Maging ang post ni Sharon ng pagbati kay Regine ay naba-bash na rin ngayon.

But of course, marami rin namang positive comments at kung baga, hati naman ang reaksyon ng fans.

Ang masasabi lang namin, buhay na buhay na naman ang network war ngayon dahil sa paglipat ni Regine.

Myrtle makikipagbakbakan ng Battleground series sa Thailand

Kahapon, Nov. 1 ay umalis ng bansa si Myrtle Sarossa papuntang Bangkok, Thailand para sa gaming tournament called PUBG (Player Unknown Battleground) Challenge Series kung saan ay isa siya sa napiling representatives ng Pilipinas para makipag-compete sa 100 players all over the world.

The competition is called the Omen by HP Challenge Series tournament na nagbukas kahapon at magtatapos bukas, Nov. 3. Ngayong araw na ito (Nov.2) naman ang simula ng kumpetisyon.

Kasama si Myrtle sa Team Philippines together with 3 top PUBG qualifiers from the Philippines, the Aether Dogz.

Bago umalis ay nakausap namin si Myrtle noong October 31 and sobrang proud at excited siya to be the first Filipino celebrity to represent Team Philippines in an international gaming tournament.

Ayon kay Myrtle, bata pa lang siya ay mahilig na raw siya talaga sa gaming. Kung anu-ano na nga raw ang nalaro niya at talaga raw naglalaro siya ng PUBG mobile, dahilan para ma-qualify siya sa tournament.

“Nakuha ako dito, kasi nag-compete ako for PUBG Mobile Star Challenge. Eto, katuwaan ko lang talaga siya kasi naglalaro talaga ako ng PUBG Mobile, tapos, meron akong sarili kong clan, tapos ‘yung best players ko sa clan, nag-compete kami for qualifying.

“Sadly, although, naka-qualify kami, hindi kami nakapasok to be the representative of the Philippines. Pero napakita siya online na sumali ako. So, nung nakita nila na nagko-compete pala ako in this sports ga­ming, na-aware sila, kinontak nila ‘yung manager ko kung pwede akong sumali sa upcoming PUBG Tournament sponsored by Omen HP sa Thailand,” kwento ni Myrtle.

Ang proseso raw ng game ay maglalaro silang lahat ng PUBG at magpapatayan (sa game) hanggang sa matira ang last man (or team) standing.

And of course, may premyo raw ang mananalo na $9,400 na sa pesos daw ay halos half a million pesos na.

Kahit gamer daw siya, siyempre, may mga prio­rities pa rin siya in life at ito rin ang gusto niyang i-advice sa mga kabataan na naaadik na sa paglalaro to the point na ito na lang ang buhay.

“I think, it’s really best na you just balance your time.

“Pero wag ka ring ma-lost in thought na puro games ang ginagawa n’yo kasi minsan, hindi siya healthy,” pahayag ni Myrtle na aside from being an actress and singer ay isa ring cosplayer.

Show comments