^

Pang Movies

Rudy napaghandaan noon ang kamatayan!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Rudy napaghandaan noon ang kamatayan!
Rudy Fernandez

Sa Heritage Park ang hu­ling hantungan ni Rico J. Puno pero hindi pa naglalabas ng official announcement ang pamilya niya tungkol sa araw ng kanyang libing.

Sina Mang Dolphy at Rudy Fernandez ang dalawa sa mga sikat na Pinoy celebrity na nakali­bing sa Heritage Park.

Nakilala ang memorial park dahil kay Rudy. Bago namatay si Daboy noong June 2008, napag-usapan na nila ni Lorna Tolentino ang paglilibingan sa kanya kapag binawian na siya ng buhay.

Nang dalawin ko si Daboy sa Cardinal Santos Memorial Medical Center noong May 2008, siya ang nagkuwento sa akin na nakita na niya ang lugar na napili nila ni LT para sa kanyang huling hantungan.

Morbid na pag-usapan ang kamatayan at ang mga plano kapag natsugi ang isang tao pero matapang si Daboy at tanggap nito ang mga mangyayari kaya napaghandaan niya ang kanyang pagkawala.

Napag-uusapan ang mga tao na sumakabilang-buhay dahil ginugunita nga­yon sa buong mundo ang All Saints Day at bukas naman, November 2, ang All Souls Day.

Andi nabiktima ng bad soul

Perfect sa All Souls Day ang All Souls Night, ang horror movie ng Viva Films na nagbukas kahapon sa mga sinehan.

Timing na timing ang playdate ng pelikula ni Andi Eigenmann dahil tungkol ito sa isang bad soul na nambiktima sa kanya at sa isang pamilya.

Ang sabi ng mga nakapanood ng All Souls Night, may gulat factor ang mga scary scene na importante sa isang horror movie.

Nahuhusayan sila sa pagganap ni Andi bilang kasambahay na hindi nakapagtataka dahil nagmana siya sa kanyang award-winning pa­rents na sina Jaclyn Jose at Mark Gil.

Natural actress si Andi kaya isa siya sa mga itinuturing na pinakamahusay na artista sa kanyang henerasyon.

Ang mga katulad ni Andi ang hindi mawawalan ng mga movie project dahil propesyonal at magaling na aktres, kahit sinabi niya sa presscon ng All Souls Night na ang kawalan ng offers ang dahilan kaya hindi siya masyadong visible sa showbiz.

Alessandra muntik matsugi nang lumublob sa lagoon

Muntik na siyang matsugi sa shooting ng Through Night and Day, iyan ang Halloween story ni Alessandra de Rossi sa presscon ng coming soon movie nila ni Paolo Contis.

Ang feeling ni Alessandra, nagkaroon siya ng hypothermia dahil sa sobrang lamig nang lumublob siya sa isang lagoon na nagpapanggap na hot spring.

Nang makita ng direktor na si Veronica Velasco ang ginaw na ginaw na itsura ni Alessandra, pinaahon niya agad ang aktres dahil sa takot na baka mas grabe pa ang mangyari.

Puring-puri ni Veronica ang mga artista ng kanyang pelikula dahil very comfortable sa isa’t isa sina Paolo at Alessandra.

Maraming adlib ang dalawa na mahirap daw na i-edit sa final print dahil nakakatawa ang mga dialogue nina Paolo at Alessandra.

Napansin ng mga reporter na nag-attend sa presscon ng Through Night and Day na blooming si Paolo na hindi kagulat-gulat dahil in love na in love siya sa kanyang girlfriend na si LJ Reyes.

Excited na si Paolo na makita ang baby daughter nila ni LJ na isisilang nito sa January 2019.

RUDY FERNANDEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with