^

Pang Movies

Serye ni Alden nagmumukhang cartoons?!

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mistulang naging cartoon ang ilang eksenang napapanood sa Victor Magtanggol ni Alden Richards dahil sa mga nagsasalitang ewan kung ano bang character ang mga ito na kausap palagi ni Andrea Torres.

 

Nakakahinayang naman daw ang galing sa pag-arte ni Coney Reyes na hindi mabigyang pansin para i-display. Sana sa susunod daw ay ibang character naman ang ipagawa kay Alden at hindi fantasy.

Mga eksena sa AP, obvious na political propaganda na?!

Mistulang political propaganda na raw ang tema ng napapanood sa FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin. Nagkakaroon daw ng idea ang manonood sa mga nangyayari sa ating pamahalaan. Isa ito sa dahilan kung bakit maraming tagasubaybay sa kabila ng napakahabang komersiyal na umeere bago mapanood mga eksena.

May hindi naiwasang magtanong, makatotohanan daw bang bugbugin at kawawain ang isang senior citizen tulad ni Jimmy Fabregas na gumaganap bilang heneral? Tila exaggerated naman daw ito.

Well, ang masasabi ko sa mga nagtatanong, walang imposible sa telebisyon. Ang mga namatay ngang karakter ay pwede pang buhayin.

Mikee ipinahiya ni Kate

Maraming kumokontra sa panghihiyang ginawa ng paaralang pinapasukan ni Mikee Quintos sa seryeng Onanay.

May nagbulgar kasi ng kanyang sekreto na itinaon pa sa pagpaparangal sa kanya bilang Most Outstanding Student. Paano raw nakalusot sa isang animo’y expensibo pa namang paaralan ang magawan ng kahihiyan ang isang magaling na mag-aaral na likha ni Kate Valdez?  

Magaling na artista si Mikee, makaeksena mo ba naman lagi si Superstar Nora Aunor at Cherie Gil. Magaling ding naidirehe ni Gina alajar sina Mikee at Kate sa Onanay.

Maine pinu-push ni Bossing

Mabuti na lang at binigyan na ng project ni Vic Sotto ang kanilang discovery sa Eat Bulaga na si Maine Mendoza via Daddy’s Girl.

Matagal na kasing hinahanap ng fans si Maine sa isang teleserye.

Pulos na lang daw kasi sa mamahaling lipstick ang promo ni Maine.

Hindi papayag si Vic na mabantilawan ang kanilang artista lalo’t kung tagurian ay isa itong millennial superstar pero wala namang show.

Pinapatunayan lang ni Maine na kaya nitong mag-solo kahit wala si Alden Richards.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with