^

Pang Movies

Derrick magiging regular na sa Wowowin?!

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa
Derrick magiging regular na sa Wowowin?!
Derrick

Sayang, hindi pala magiging one of the main host ng programa ni Willie Revillame na Wowowin ang young actor na si Derrick Monasterio na nag-guest host last week sa nasabing show.

 

Ang ganda sanang kumbinasyon nito kasama ang tatlong comedian host plus ng apat na permanent co-host na kinabibilangan ni Sugar Mercado na sanay na sanay na sa kanyang ginagawa.

Samantala, dapat mag-ingat si Sugar sa pagbibigay ng 10 kiyaw sa mga nananalo sa Hep, Hep, Hooray.

Ang taas ng takong ng sapatos niya na tumatakbo sa lugar ng mga inaabutan ng datung, baka madulas.

Anyway, magaling na ring mag-host si Derrick, mag adlib at higit sa lahat tawag atraksyon ang kanyang kapogian. At sa totoo lang, magaling siyang kumanta. Mostly broadway songs ang mga binabanatan niya. Pero may nagsabing, pinag-aaralan na ni Willie kung gagawin siyang mainstay.

TV host-actress magkagalit ang mga paa

Knows kaya ng TV host-actress na grabe ang buka ng dalawa niyang legs, meaning sakang siya. At feel na feel mo na medyo conscious siya dahil sa legs niya nakapokus ang mata ng audience.

Ang ganda pa naman ng kanyang face.

Hindi kaya ito pwedeng ayusin, ipaopera, para naman hindi pagpistahan ang kanyang legs? Sana tulad sa pwedeng pumuti ang maitim, kuminis ang mukha, maging flawless o uminom ng tabletas at iba pa sa tulong ng siyensya ni Dra. Belo.

Pero sa tingin namin ay mahirap dahil mukhang inborn na ang kanyang pagiging sakang. ‘Yun lang!

Katrina nagpasalamat na babu na ang serye

Malaki ang pasasalamat ni Katrina Halili dahil nag-end na ang The Stepdaughters sa GMA 7 na kung saan kinasuklaman siya ng lahat dahil sa role na ginapampanan niya. Tampok din sa nasabing serye sina Megan Young, Glydel Mercado, Mikael Daez, Gary Estrada at iba pa.

Sabi ni Katrina, binabanatan siya ng mga basher sa social media.

“Ang bait-bait ko yata in real life, pero ang sama-sama ko sa role, patawarin ako ng Diyos sa mga ginawa ko,” natatawa niyang sabi. Nagkataon lang na labanan ng talento sa akting at ok lang na ma-bash daw siya. Huwag lang daw sanang below the belt.

 

vuukle comment

WILLIE REVILLAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with