^

Pang Movies

Malalapit kay Mayor HB walang malay sa pamamahinga sa pulitika

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Malalapit kay Mayor HB walang malay sa pamamahinga sa pulitika
Herbert

Nananatiling tahimik si Quezon City Mayor Herbert Bautista dahil hindi siya nag-file ng certificate of candidacy niya nu’ng last day ng filing nito.

 

Lutang maging ang ilan niyang staff sa City Hall kung ano ang plano ng boss nila. Maging kami ay hindi ligtas sa mga tanong dahil isa rin kami sa malalapit kay Mayor Bistek pero zero rin ang sagot namin.

Para sa amin, hanggang hindi pa nagsisimula ang kampanya eh, may chance pang umingay bigla ang pangalan ni Mayor HB tulad nu’ng nangyari sa kandidatura ni President Digong Duterte last 2016!

Eh sa press launch ng 2018 Quezon City International Pink Film Festival, wala ring nakuhang sagot ang press kay Konsehal Mayen Juico. Basta ang ipinagdiinan niya, magkaroon man ng bagong administrasyon sa Quezon City, alam niyang susuportahan pa rin ng bagong mamumuno ang lahat ng projects nila kaugnay ng LGBT community.

Anyway, magsisimula ang Pink filmfest mula November 14 hanggang 25 sa Gateway Cineplex, UP Film Center at Cinema Centernario. Tampok dito ang local at international films na tumalakay sa LGBT community.

Magiging bahagi rin ng moviefest ang ilang shorts films na gawa ng mga millennial director  na dumaan sa butas ng karayom bago napiling ipalabas sa festival.

vuukle comment

HERBERT BAUTISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with