Regine pumiyok na siya ang nagpilit na lumayas ng GMA

Ogie Alcasid

Itinanggi ni Regine Velasquez na ang mister niyang si Ogie Alcasid ang naudyok sa kanya na lumipat sa ABS-CBN.

Paliwanag ng Asia’s Songbird, siya ang nanghingi ng tulong sa kanyang mister na makausap ang mga bossing ng ABS-CBN.

Siya raw talaga ang may gustong maging Kapamilya.  “People have been saying this was his idea. Actually, hindi. It was really me. I did ask for his help — to set up a meeting with them. It was really me who decided,”  depensa niya kay Ogie na nauna nang lumipat pero hindi ganun ka-bongga ang naging pag-welcome.

Actually, pinipigilan pa nga raw si Regine ang kapatid niyang cum manager na si Cacai Velasquez-Mitra na lumayas as in sa GMA 7 na lang sila pero Regine daw insisted na gusto niyang maiba naman.

Si Ogie nga kasi ang pinagsususpetsahan na nagbuyo sa asawang layasan ang GMA 7.

Anyway, tatlong show daw agad ang nakalinya sa Asia’s Songbird, isang comedy, ang talent search na Idol Philippines and ASAP.

Plus ang sabi dalawang concert daw, ang isa pa ay for Bantay Bata 163.

Unang lumutang si Regine ABS-CBN Ball kung saan nga nakumpirma ang pagiging Kapamilya niya.

Yanig ang social media kahapon sa pagpirma ng kontrata ni Regine sa Kapamilya Network.

Show comments