Pia Wurtzbach
Pia yumabang na?!
YUN NA! - Jun Lalin (Pang-masa) - October 18, 2018 - 12:00am

Ayaw na raw magpa-picture sa fans

May mga issue kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach katulad ng pagyabang na nito.

Sabi, kahit ‘yung mga fan na nagpapa-picture kay Pia ay tinatanggihan na niya.

May isang malapit kay Pia bago pa man siya na­ging beauty queen ang nagsabing napakabait niya.

Baka raw naiintriga lang ang girlfriend ni Marlon Stockinger dahil sobrang busy na ito.

Baka lang daw nagmamadali lang palagi si Pia dahil may commitments pa.

Sabi pa ng taong nakausap ko, kung gaano raw kabait sa kanya si Pia noong hindi pa nagiging beauty queen ay ganoon din naman daw ito kabait hanggang ngayon.

‘Yung mga taong dati nang malalapit kay Pia ang nagsasabing hindi siya nagbabago, kaya mas gusto ko naman silang paniwalaan.

May iba kasi na ang hilig manghusga na nagbago na si Pia, pero hindi naman kasi talaga sila totoong malalapit sa beauty queen/actress.

Well…

Regine reynang-reyna sa pagsalubong ng Kapamilya

Alam mo, Ateng Salve, nakakatuwa ang grand welcome ng ABS-CBN kay Regine Velasquez.

Reynang-reyna ang dating ng misis ni Ogie Alcasid.

Malinaw rin ang sinasabi ng ilang taga-Kapamilya network na nagbabalik lang sa kanila si Regine dahil noong 90’s ay nagkaroon na rin naman daw ito ng regular shows doon.

Excited na ang mga fan ni Regine para sa Idol Philippines, ang una niyang regular TV show sa Kapamilya network.

Ngayon ang alis ni Regine pa-Sydney, Australia para sa ASAP Live in Sydney kung saan ay special guest siya.

Dennis, Dingdong at Sanya nag-pictorial na

Ang pictorial ng Cain At Abel nina Dennis Trillo at Dingdong Dantes noong isang araw.

Hindi ko na nakita ang dalawa sa pictorial dahil umaga raw ang call time ng mga ito at may ibang mga lakad daw.

Si Sanya Lopez ang nandoroon and in fairness, parang lalo itong nagiging blooming kahit na walang boyfriend at nananatiling virgin, huh!

Ang press release na virgin pa siya ang sinasabi ng ibang mga intrigero’t intrigera na hindi nakatulong sa box-office result ng pelikula niyang Wild & Free with Derrick Monasterio.                   

Migo at Kelley walang pag-asang magka-relasyon

Malapit si Migo Adecer sa kapwa niya Kapuso star na si Kelley Day.

Bago pa raw mapunta sa GMA 7 si Kelley ay nakilala na ito ni Migo sa isang event.

Nang maging Kapuso si Kelley, natuwa si Migo.

Nang gawin silang magka-love team, lalong natuwa si Migo.

Pero kahit magka-love team sila at pareho pang nagbo-voice ngayon sa first all-Filipino animé series na Barangay 143 na magpa-pilot telecast na sa GMA 7 ngayong Sunday ng 10:00AM, hanggang pakilig lang sila sa mga fan.

Hindi raw nanliligaw si Migo kay Kelley.

Pero close friends sila.

Sobrang close na hindi raw mauuwi sa ligawan dahil tama na raw ang pagiging magka-love team lang sa kanila.

Si Kelley ay 21 years old na at 18 years old lang si Migo, kaya may three years age gap sila.

Ang alam ko, may secret love life si Kelley at non-showbiz naman ang girlfriend ni Migo.

Ayaw deaw ni Migo ng girlfriend na taga-showbiz  dahil ayaw niya ‘yung may mga drama sila sa trabaho kapag may tampuhan o problema.

PIA WURTZBACH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with