Sumbungan ng bayan, susubok sa party list!

Alam mo Mama Salve, natuwa talaga ako nang malaman kong pormal nang naghain ng kanyang Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) ang broadcast journalist na si Niña Taduran bilang pangatlong nominee ng ACT-CIS o Anti-Crime and Terrorism thru Community Involvement and Support.

Siyempre, confident si Niña na ang kanyang dalawang dekadang karanasan sa broadcast media sa pamamagitan ng public service ay makakatulong ng malaki sa kanyang planong makapaglingkod at makagawa ng mga natatanging programa na kapaki-pakinabang para sa mga nangangailangan.

Siyempre marami na ring natutunan si Niña kay Papa Raffy Tulfo pagdating sa pagpa-public service dahil sa kanilang top-rating radio show, kaya naman masasabing subok na rin siya at siguradong madadala niya sa kongreso ang pagtulong na ‘yon kung papalarin ang kanilang partylist group na manalo ‘noh?

Ako mismo, Mama Salve, alam ko kung gaano maasahan si Niña nang magkaproblema tayo noong mag-travel tayo sa Korea. Alam na alam mo ‘yan. Hahaha.

That time, bukod kay Papa Raffy, sobra rin siyang nag-follow-up para maayos ang naging problema natin.

Bukod kay Niña, No. 1 nominee ng partylist nila si Eric Go Yap at No. 2 nominee si Jocelyn Pua Tulfo, maybahay ni idol Raffy Tulfo.

Jinggoy lagare sa filing ng candidacy

Naglagare kahapon si Jinggoy Estrada dahil matapos mag-file ng kanyang Certificate of Candidacy sa pagka-senador sa Comelec Manila, pumunta siya sa San Juan City para samahan ang anak na si Janella Estrada na tatakbo na alkalde ng lungsod sa eleksyon sa May 2019.

Si Janella ang incumbent vice mayor ng San Juan at siya ang bet ng Partido ng Masang Pilipino sa mayoral race. Si Edu Manzano naman ang house representative ng partido ni Janella.

Earlier, si Manila City Mayor Joseph Estrada ang kasama ni Jinggoy sa Comelec. Sinuportahan ni Papa Erap ang filing ni Jinggoy ng CoC.

Edu hindi pa nagsasalita tungkol sa pagkandidato

As of presstime, hindi pa naglalabas si Edu ng official statement tungkol sa desisyon niya na kumandidato na house representative ng lone district ng San Juan.

Waiting ang fans ni Edu sa statement nito dahil ikinagulat nila ang muling pagpasok ni ‘President Lucas Cabrera’ sa political arena. Si Lucas Cabrera ang popular character ni Edu sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Ervic hindi na mapigil ang pagsama sa partido nila Janella

Ngayon ang huling araw ng filing ng certificate of candidacy ng mga gustong kumandidato sa May 2019.

Natsismis noon na kakandidato si James Yap na konsehal ng San Juan City kaya ngayon natin malalaman kung  itutuloy niya ang plano.

Out- of- the country si James dahil nagpunta siya sa Canada kaya may mga nagsabi na kinalimutan na niya ang dream na mag­lingkod sa mamamayan ng San Juan.

Basta ang alam ko, wala nang makapipigil pa kay Ervic Vijandre sa plano nito na tumakbo bilang konsehal pero hindi sa ilalim ng partido ni Janella Estrada.

Bago siya nag-announce ng kandidatura niya, pormal na nagpaalam si Ervic sa GMA Artist Center dahil ito ang namamahala sa showbiz career niya.

Show comments