Xian babu sa pelikula ni Nadine, pinalitan ni Carlo

Xian Lim

Aba, after Angelica Panganiban, sa kandu­ngan naman ni Nadine Lustre siya nasadlak, huh!

Lumutang si Carlo Aquino bilang bagong leading man ni Nadine sa pelikulang Ulan mula sa direksyon ni Irene Villamor. Napabalita noon na si Xian Lim ang kapareha ng young actress sa project.

Looks like, ligwak na si Xian sa movie dahil maging sa Instagram ni Carlo eh, may posts siya habang nasa shooting, huh!

Bale ang Ulan ang unang movie ni Nadine na hindi ang boyfriend na si James Reid ang kapareha niya.

Direk Brillante nagsalita na sa pangliligwak ng MMFF

Umamin ang director na si Mel Chionglo sa   interview sa isang broadsheet paper na nabago ang listahan ng last final four entries sa 2018 Metro Manila Film Festival. Isa ang director sa members ng Selection Committee ng MMFF.

Ang final decision ng committee ay ang entry ni direk Brillante Mendoza na Alpha The Right To Kill na nanaig sa entry na Otlum ni direk Joven Tan.

Eh, umalis na si Chionglo bago pa man ilabas ang announcement. Nabago ang resulta at naligwak ang Alpha habang pasok ang Otlum. Kaya kumalat ang tsismis na hindi pumabor ang mas nakatataas na taong involved sa festival sa Alpha dahil anti-Duterte umano ang movie.

Idinaan ni direk Mendoza sa Twitter ang akusasyon sa kanyang pelikula.

“I choose to tell this story of Alpha – The Right To Kill because I am an advocate of eradicating drugs in local communities.”

Kagagaling ng director sa Busan International Film Festival para sa screening ng pelikula niyang Alpha.

Em Aglipay-Villar walang kapaguran sa advocacy sa Lupus

Walang kapaguran si Department of Justice Undersecretary Emmeline Aglipay-Villar sa advocacy niya sa pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa sakit na Lupus. Matapos maglabas ng dalawang libro, heto at isang photo exhibit naman ang ginawa niya na laman ang kuwento ng courage at hope.

Sa pakikipagtulu­ngan sa sikat na photographers gaya nina Jose Antonio Aliling, Bien Bautista, Josefino Mario de Guzman at Maria Victoria Manotok, madarama sa exhibit ang kaalaman ng journey ng taong may lupus.

Naka-displey ang exhibit sa Exhibit Hall ng Greenbelt 5 Makati City hanggang October 20.

Show comments