^

Pang Movies

Ethel Booba tumangging kumandidato!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Ethel Booba tumangging kumandidato!
Ethel Booba

Maraming naghihintay sa pag-file ng COC of Certificate of Candidacy ng komedyanteng si Ethel Booba.

Isa kasi si Ethel sa mga walang takot na magbigay ng kanyang komento sa kapalpakan ng ilang pulitiko. Kaya inakala ng marami na nais nitong tumakbo sa isang posisyon para makatulong siya sa mga kakulangan ng mga inilalagay sa puwesto.

Pero bigo ang lahat ng walang COC na nai-file si Ethel. Isang tweet lang ang pinarating ni Ethel sa kanyang mga followers:

“Masyado nang comedy ang politika natin wag na natin dagdagan ng isa pang katatawanan. Charot!”

May dahilan daw kung bakit hindi pumasok sa isipan ni Ethel ang tumakbo sa susunod na eleksyon.

“Politics is not for me. Ibigay natin yan sa tunay na may alam. Madami dyan karapat-dapat kaya dapat maging mabusisi ngayon sa pagpili ng iboboto. Hindi popularity contest ang politika. Charot!”

May mga hinahangaan daw na politicians si Ethel, lalo na ‘yung marunong tuparin ang kanilang mga pangako. Kasama sa hinangaan niya ay si Senator Nancy Binay.

“I remember Senator Nancy Binay. We thought that she doesn’t deserve the Senate because her experience in politics was her 20 years OJT. Looking her now, she’s doing great in her position. Charot!”

Tinanong si Ethel kung ano ang mga naipasang bill ni Senator Binay?

“Three of her bills became law. Co-sponsor din ng Expanded Maternity Leave Law. Google mo na lang yung iba. Charot!”

Tinanong din si Ethel kung pepresyuhan ba niya ng isang milyon ang boto niya para sa isang candidate?

“My boto is not for sale pero pwede nila ako kunin magshow sa campaign rally nila. Di aabot ng 1M ang TF ko. Charot!”

Thea expert na sa pagkapa ng bukol sa dibdib

Marunong mag-self examine ang Kapuso actress na si Thea Tolentino ng kanyang dibdib para malaman niya agad kung may mga bukol ba ulit na namumuo.

Twice na kasing naoperahan si Thea dahil sa pagtanggal ng mga benign na bukol sa kanyang dibdib.

Kaya pinag-aralan daw niya kung paano kapain ang sariling dibdib at ingat din siya sa kanyang mga kinakain.

“Every month naman po nagpapa-breast exam ako at ako na mismo ang kumakapa sa sarili kong dibdib.

“Mabuti na po yung nagiging maingat tayo, lalo na at nasa family history pala namin ang nagkakaroon ng bukol.

“Tsaka malaki na rin nabago sa dati kong lifestyle. Kapag wala akong taping, maaga po ako nagpapahinga at nagagawa ko nang mag-exercise parati.

“Importante rin po na maingat ako sa mga kinakain ko. Kung may chance na makaiwas ako sa pagkain ng mga matataba o mamantika, ginagawa ko po,” sey pa ni Thea.

Sa latest teleserye ni Thea na Asawa Ko, Karibal Ko ay gaganap siya bilang isang transwoman na ang unang pagkatao ay si Jason Abalos.

Kinailangan daw pag-aralan ni Thea ang mga kilos ni Jason para maisama niya iyon sa kanyang ginagamapanan na transwoman character.

vuukle comment

ETHEL BOOBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with