Di paglusot ni Brillante Mendoza sa MMFF, pinag-iisipan

Brillante Mendoza

May mga nagtataka dahil hindi nakalusot sa Magic 8 ng 2018 Metro Manila Film Festival ang Alpha, The Right to Kill, ang pelikula ng 2009 Cannes best director na si Brillante Mendoza.

Wondering din ang fans dahil ang akala nila, isinali rin sa MMFF ang Born Beautiful, ang sequel ng Die Beautiful, ang sequel ng blockbuster movie ni Paolo Ballesteros?

Natsugi rin sa Magic 8 ang isang pelikula na ikawindang ng mga member ng Selection Committee dahil napaka-chaka ng akting ng lead actor na habang tumatagal sa entertainment industry, lalong lumalaylay ang performance sa mga movie and television project na tinatampukan niya.

Ilang dabarkads at tropa ni Coco nagsama-sama

Ipinakita sa announcement ng Final 4 official entries ang trailer ng Jack Em Popoy: The Puliscredibles, ang pelikula nina Coco Martin, Maine Mendoza at Vic Sotto.

Ang sabi ng mga nakapanood sa trailer, kakaiba ang brand of comedy ni Vic sa filmfest movie nila ni Coco kaya nagkaroon sila ng interes na panoorin ang pelikula.

May special participation sa Jack Em Popoy ang mga Eat Bulaga co-host nina Vic at Maine, sina Wally Bayola, Jose Manalo at Paolo Ballesteros.

I’m sure, may mga special appearance rin sa pelikula ang ilan sa mga co-star ni Coco sa Ang Pro­    binsyano.

Tsismis na pagbubuntis ng isang aktres, fake news!

Kuryente ang tsismis na buntis na ang aktres dahil may plano talaga sila ng mister niya na magbakasyon sa ibang bansa.

Kumalat ang tsismis na preggy ang aktres dahil humingi siya ng matagal na bakasyon sa mother studio niya.

Deserving na magkaroon ng long vacation ang aktres dahil ilang buwan nang kulang siya sa pahinga dahil ang showbiz career ang binigyan niya ng priority.

It’s about time na harapin ng aktres ang kanyang personal life at namnamin ang bunga ng lahat ng mga pagsisikap niya.

Kung mabubuntis siya, why not?  Sure ako na magiging mabuti at responsible parents sila ng kanyang asawa sa anak na ipagkakaloob sa kanila ng Poong May-kapal.

Kahit di kilalang masyado, Ricci aariba sa MMFF

The who si Ricci Rivero ang nakataas ang kilay na tanong ng mga reporter na walang alam sa basketball.

Si Ricci ang basketball player na bida agad sa unang pelikula niya, ang Otlum.

Lucky showbiz newcomer si Ricci dahil bukod sa bida siya sa kanyang first movie, official entry ito sa Metro Manila Film Festival.

Walang showbiz connection si Ricci dahil nagkataon lang na pareho sila ng family name ng veteran actor na si Dante Rivero.

May nagsabi sa akin na talent si Ricci ni Dondon Monteverde, ang produ ng Reality Entertainment Inc. Kung totoo ang impormasyon na natanggap ko, in good hands si Ricci dahil mabait at mahusay na manager si Dondon.

Show comments