^

Pang Movies

Modern family nina Jodi, Pampi at Iwa, pinupuri!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Modern family nina Jodi, Pampi at Iwa, pinupuri!

Ala-Ogie, Regine and Michelle

Mukhang pati si Jodi Sta. Maria at Pampi Lacson ay naimpluwensiyahan ng magandang samahan ng ex-couple na sina Ogie Alcasid at Michelle Van Eimeren dahil sa maayos din nilang pakikitungo sa isa’t isa kahit nga may kanya-kanya na silang buhay.

Si Pampi ay masaya na sa piling ni Iwa Moto at mukha ngang magkakasundo sila dahil nag-post si Jodi sa kanyang Instagram account na magkakasama silang tatlo with their kids na parang isang one big happy family.

“Every family has a story. Ours isn’t a perfect one but through God’s grace, what was once broken is made whole again. Some may find it weird or awkward, but for us, we are simply a FAMILY who respects each other and works as a team towards one goal: to LOVE and SUPPORT our children,” ang caption ni Jodi sa picture nila.

Sa larawan ay makikita rin ang anak nina Jodi at Pampi na si Third at ang anak ni Iwa.

Puring-puri naman ng netizens ang pagka-mo­derno ng pamilya nila at ang pagiging positibo.

‘Yun nga lang, sa larawan ay walang partner ni Jodi dahil as we all know ay kabe-break lang nila ni Jolo Revilla.

Edward, hindi normal ang tingin kay Maymay

Sa presscon ng First Love ay natanong si Edward Barber kung first love niya ba si Maymay Entrata at hindi ito nasagot ng young actor.

“My relationship with Maymay, anyway, is something I cannot really compare to any other pair I’ve ever seen before. I can’t compare it to my parents, I can’t compare it with to my friends and their loved ones,” sabi ni Edward.

Ang nakakatuwa ay ang rasong sinabi ng binata.

“Because Maymay is not a really normal person, and that’s not a bad thing. That’s why, she’s most amazing than most girls I know,” pahayag ni Edward na ikinatawa talaga ng press.

Siya rin naman daw ay hindi niya ikino-consider na normal siya at say niya, “no way, being normal is the worst part of life.”

Dagdag pa niya, “no one normal ever achieved something amazing.”

Ito raw ang ikinaiba ni Maymay na kapag nakatabi raw sa ibang babae ay matatandaan mo talaga dahil sa mga kakaibang kilos nito.

Aminado naman siyang mahal niya ang ka-loveteam at sey niya, “she’s one of the people I love the most.”

When asked to describe their relationship, ani Edward ay mag-soulmates daw sila.

Samantala, hindi maidetalye ni Edward kung ano talaga ang role niya sa First Love na pinagbibidahan nina Aga Muhlach at Bea Alonzo. Basta secret daw muna at panoorin na lang daw sa pagbubukas ng pelikula sa mga sinehan sa Oct. 17.

Basta ang masasabi lang daw niya sa ngayon, sobrang thankful and happy siya na nakatrabaho niya agad sina Aga at Bea gayung bago pa lang siya sa showbiz.

Kasama rin si Edward sa nag-shoot sa Vancouver, Canada at talaga raw sobrang nag-enjoy siya doing the film.

vuukle comment

JODI STA. MARIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with