Regine at Ogie willing to wait sa kanilang US visa

Ogie at Regine

Nag-post si Regine Velasquez-Alcasid sa kanyang Instagram account kung saan kasama niya ang anak na si Nate at ito ang nakalagay na caption, “Sa kanila ng mga hindi magandang pangyayari this week may isang taong naging masaya dahil hindi umalis si mom and dad (with smiley face emoji) #kwentong nanay #natesionary #myBooBear.”

Siyempre ang tinutukoy ni Regine ay ang hindi nila pagkatuloy ng biyahe nila pa-Anerika ora sa R3.0 US Concert Tour.

Dahil hindi nga sila nakaalis, ang first two concerts nila, una sa Chumash Casino Resort at pangalawa ay sa Morongo Casino, Resort & Spa, ay kanselado, pero aayusin naman daw at itutuloy pa rin in the future.

Bale sa Friday, meron pa naman sila sa Thunder Valley Casino Resort at Pala Casino Spa & Resort sa October 14 at ‘yon ang inaasahan nila na matutuloy.

Yes, in fairness sa buong entourage ng R3.0 US Concert Tour, gusto pa rin nilang matuloy ang last two shows nila.

Marami nga ang nagdarasal na lumabas na sana ang visa ng mga kasama sa US concert tour na ‘yon para sumaya namam ang mga fan ng Asia’s Songbird na naghihintay sa kanya sa California.

Pero bibilib ka rin talaga sa tiyaga at effort nina Regine at Ogie dahil kung naiba lang sila ay baka nag-tantrums na at pina-move na lang muna ng ibang araw ang US concert tour na ‘yon.

Pero sila talaga, willing to wait dahil pareho ngang professional sina Regine at Ogie!

At dahil diyan ay lalong tumitindi ang paghanga ko sa dalawa!

Marian, AiAi at mga kasama nagpasaya na sa California

As you read this, ginaganap naman ang show ng GMA 7 stars sa pangunguna ni Marian Rivera sa Anaheim, California.

Ang concert promoter/producer na si Anna Puno ang namahala sa show na ‘yon ng GMA Pinoy TV at noong Friday nga, pinaunlakan niya sina Marian, AiAi delas Alas at iba pang kasama sa Kapusong Pinoy: Paskuhan at Kantawanan sa Anaheim.

Okay naman daw ang grupo at sina Julie Anne San Jose at Christian Bautista ay nanggaling daw sa San Francisco, California dahil may iba pa silang event na pinuntahan doon.

Noong Saturday ay ginanap naman daw ang presscon ng group nila sa isang Pinoy restaurant sa West Covina at marami rin daw ang inimbitahan doon.

Teka! Si Anna na ba ang hahawak ng mga event ng Siyete sa California?

Well...

Rita bumagay ‘ang buhok sa pagiging kontrabida

Naku, Ateng Salve, mukhang dahil sa My Special Tatay, ang afternoon series ng GMA 7 na pinagbibidahan ni Ken Chan, ay magtutuluy-tuloy na ang pagsikat nitong si Rita Daniela.

Kinamumuhian siya ng viewers ng My Special Tatay dahil effective na bida/kontrabida si Rita, huh!

‘Tapos ‘yung look din niya ngayon na maiksi ang buhok, parang ang landi-landi ng dating niya.

Pero alam ko ba, Ateng Salve, na si Bambbi Fuentes na favorite n’yo ni Manay Lolit Solis, ang nag-aayos ng ganoon kay Rita?

Kamakailan nga, naaliw si Bambbi kay Rita nang ayusan niya ito sa isang pictorial.

Oo nga pala, mukhang maldita lang si Rita lalo na kapag panonoorin siya sa My Special Tatay, pero in real life naman, napakabait niya, huh!

May ibang mga artista kasi na parang virginal beauty ang dating, pero sila naman ‘yung ubod ng maldita, ‘noh?!

Show comments