Pasok sa QCinema Eddie at Gina hinihintay ang pagpapakilig ng mga senior

After nila ni Gloria Romero, si Gina Pareño naman ang romantic leading lady ni Eddie Garcia sa pelikulang Hintayan sa Langit para sa QCinema 2018. ‘Yung mga ganitong movie ang  nagpapabilis ng daloy ng dugo ng maraming senior citizens na akala ay retirado na sila maging sa pag-ibig pero, hindi pa pala. Meron pa rin pala silang oras para magmahal na muli. Si Dan Villegas ang direktor ng movie. 

 

Janno at Bing nakiki-join date ng mga anak

Balitang ikinahihiya na ni Janno Gibbs ‘yung ibinibintang sa kanyang malalaswang photos sa internet. Kaya tahasan niyang sinabi sa programa ni Boy Abunda na hindi siya yun. 

“Nakakahiya sa mga anak ko, mga babae pa naman. Hindi ako yun, foul yun,” anang inaakala ng lahat ay bagong recruit ng ABS-CBN pero, sa totoo lang ay bumabalik lamang siya sa kumpanya na nagsimula ng karera nila ni Ogie Alcasid bilang Soul Brothers.

Sa kabila ng maraming unos na dumating sa pagsasama nila ni Bing Loyzaga bilang mag-asawa, matatag pa rin ang kanilang marriage kasama ang dalawa nilang anak na babae.

“Kapag may away kami, nililigawan ko siyang muli para kami magkabati. At kahit nag-aaway kami, never nawala yung respeto namin sa isa’t isa,” sabi  ni Janno. 

Tanggap na rin nila ang hindi maiiwasang pagkakaroon ng sariling pamilya ng kanilang mga anak.

Nakikipag-bonding sila sa mga nobyo ng mga anak nila para magkakilala ng husto. Sumasama silang makipag-date sa kanila.

Abala sa paggawa ng recording ang singer/composer/actor. Marami ang hanga sa isang original song na ginawa niya, ang napaka-milenyal at kumuha ng inspiras­yon sa maraming showbiz loveteams natin ngayon na Feeling JKL na ang ibig sabihin ng JKL ay JaDine, KathNiel at LizQuen. Pero kasama rin sa song ang MayWard, JoshLia at maging ang Kimerald.

Ryza hindi pinababayaan sa AP

Hindi pinabayaan ng ABS-CBN si Ryza Cenon.

Kung si Jolo Revilla ay namatay ng ganun na lamang sa Ang Probinsyano, ang ex Kapuso actress ay binigyan sa serye ng kanyang moment na humanga sa new all-time national TV rating nung October 4.

Kinabahan ang manonood sa pagtatangka ni Cardo (Coco Martin) na iligtas ang anak ni presidente Oscar Hidalgo (Rowell Santiago) na gina­gampanan ni Ryzza sa galamay  ni Lucas Cabrera (Edu Manzano).

Maraming manonood ang pinaiyak ng nasabing episode.

Show comments