^

Pang Movies

Sharon nagtanim ng galit sa pang-iisnab ni Robin sa kanyang 40th anniversary

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Masasakit na salita ang inabot ni Robin Padilla mula kay Sharon Cuneta sa Instagram comment ni Megastar sa page ng aktor.

 

Yes,  may tampo pala si Sharon sa leading man dahil sa hindi pagsipot ng aktor sa kanyang 40th anniversary concert na gina­nap sa Araneta Coliseum last Sept. 28.

Sa post ni Binoe ng larawan nila ng asawang si Mariel Rodriguez na kuha sa ABS-CBN Ball kasama ang mga Kapamilya exe­cutives, inilagay niya sa caption na sayang daw at wala silang picture ni Sharon na tinawag niyang reyna.

Ang daming nag-comment na fans ni Sharon at kinilig pa nga ang iba dahil tinawag ngang reyna ni Binoe si Megastar.

Sa gitna ng mga sagutan ng fans, biglang bumulaga ang komento ni Sharon at naglitanya ng kanyang tampo kay Binoe.

“Si Rrobin po ikaw lang ang reyna niya HABANG may movie. Tapos ganun padin parang nung bata lang kami. Wala man lang 2 oras na nailaan sa du na mauulit sa tanang buhay kong 40th.

“At least alam ko ma kung sino talaga ang maaasahan kahit di imbitahan at ang di maaasahan kahit padalhan ng 10 mag-iimbita. Bery gud alam na natin!

“Yehey!!! Masaya naman ako at napakasuccessful ng show. Sa Sharonians pa lang di ko na sya kailangan. Hmp. Sorry na lang. kaw nagumpisa Bin ha ganyan ka na pala! Mas mabait pa si mariel sa kin. Magkalimutan na tayo,” ang matitinding linyang pinakawalan ni Sharon.

Not only that dahil nag-comment din pala si Sharon sa post ng isang fan niya ng halos parehong litanya. Aniya ay na-hurt daw siya dahil inimbita niya si Binoe sa 40th anniversary concert niya pero hindi man lang daw sumagot at ang bilis naman daw makalimot ng aktor.

“Hay nako. Nahurt ako. Inimbita ko manood ni walang sagot. Di na ako kilala ang bilis makalimot! Di na mauulit 40th ko. Pero sa abs-cbn ball may time sya. Okay lang napakasaya ko naman nung concert. Pero lam nya naman memory ko parang singlaki ng memory ng elepante. Di makakalimutan. Hmmp. What a disappointment,” ang komento ni Sharon.

Well, ano kaya ang reaksyon ni Robin sa mga sinabing ito ni Sharon?

vuukle comment

ROBIN PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with