Fans bitin na bitin na sa paglipad ni Liza!

Liza Soberano

Kelan nga kaya mapapalabas ang pelikulang Darna?

Bitin na bitin na ang fans ni Liza Soberano.

Ang tagal na nga namang nababalita na siya na ang gaganap matapos ayawan ni Angel Locsin dahil nga sa sakit sa spine, pero hanggang ngayon ay wala pa ring kalinawan kung kailan ba talaga ito mapapalabas.

At ito, nagbitiw pa ang direktor nilang si Erik Matti ayon sa official statement ng ABS-CBN.

“ABS-CBN, Star Cinema, and director Erik Matti have mutually decided to part ways in the filming of “Darna” because of creative differences and to allow the filmmaker to work on his other projects under his own production company Reality Entertainment.

ABS-CBN and Star Cinema, however, are fully committed to bringing the iconic character to the big screen for today’s generation of moviegoers to witness the story of the well-loved Pinoy comics superhero. The new “Darna” director will be announced soon,” ayon sa statement.

Sana nga ay madali sila makahanap ng papalit kay Direk Erik.

Sayang kasi baka naman masyado nang ma-delay at mawala na ang eagerness ng fans sa kuwento ng Pinoy superhero.

Wala pang ibang project si Liza after Bagani dahil nga sinasabing tutukan niya ang paggawa ng Darna na pinanabikan na rin ng kanyang fans.

Excited silang makita kung anong hitsura ni Liza pag suot na ang outfit ni Darna. Ang sexy pa naman ngayon ng young actress at talagang napaghandaaan niya ang paglipad.

Sanya hindi nakaramdam ng pananmantala kay Derrick

Reluctant pala si Derrick Monasterio sa lampungan nila ni Sanya Lopez sa pelikulang Wild & Free.

“Nakakatakot kasi baka bigla akong masampal. Syempre ako, na-envision ko na agad yung magiging takbo ng scene, kung ano yung mangyayari,” explains the 23-year-old actor.

Though ayon kay Derrick alam naman niya ang kanyang limitations.

“Syempre faithful ka rin dapat kung ano yung hindi dapat gawin, kasi respeto kay Sanya.

Just like Derrick, Sanya explained that she felt her heart in her throat when she did her first intimate scene with Derrick.

“Nandun po kasi talaga yung kaba, pero natutunan naming maging open lang kami, na hindi ito bastos, may mga eksena na magiging totoo at madadala ka talaga kahit hindi naman sabihin sayo na gawin mo. Ganito naman ang ginagawa ng totoong lovers. Sex is part of the relationship.”

Pero hindi naman niya naramdaman na na-violate ang kanyang pagkababae sa mga nasabing eksena.

 “Nakatulong po sa akin na gentleman po talaga si Derrick at close po talaga kami.

“Pag po kasi andun ka sa set at nandun ang respeto sa isa’t-isa, magagawa n’yo ang bawat eksena nang maayos.”

Wild and Free tells the story of Ellie, an independent and self-supporting woman, working as a part-time TNVS (transport network vehicle service) driver, picks up Jake (Derrick), a man from his past.

 While on the trip, the two reminisce their happy times, when they were still a couple.

 Ellie and Jake met up three years before, while they were commuting.

 Directed by Connie S. Macatuno, Wild and Free will open in cinemas on October 10, para sa Regal Films.

Show comments