^

Pang Movies

Kesa mag-pulitika, Mocha mas bagay na sa musical show!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Kesa mag-pulitika, Mocha mas bagay na sa musical show!
Mocha Uson

Hanggang ngayon ang pinag-uusapan pa rin ay ang resignation ni Mocha Uson sa kanyang puwesto sa gobyerno. Maraming usap-usapan. May nagsasabing kaya naman daw siguro nag-resign si Mocha ay dahil kakandidato nga sa susunod na taon. Kung iyan ang talagang balak niya, malalaman natin sa loob ng ilang araw kasi kailangan siyang mag-file ng certificate of candidacy sa COMELEC.

May sinasabi siyang haharapin niya ang kanyang mga kritiko sa kongreso sa isang equal level. Tatakbo ba siyang congresswoman o senador? Walang makakapagsabi, pero wala ang pangalan niya sa mga inilalatag ng mga partido, at wala rin sa mga isinasagawang survey. Pero siyempre kung sasabihin nga ng presidente na tumakbo siya, magagawa niya iyon.

May mga tao namang iba ang iniisip. Baka nga raw hindi fit si Mocha sa government service. Kung natatandaan ninyo noong una, inilagay siya sa MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board), at okay naman sana ang mga gusto niyang paghihigpit noon. Kaya lang hindi niya nakasundo ang mga kasama niya, kaya napilitan din ang presidente na ilipat siya. Doon naman sa PCOO, parang walang may control sa kanya.

Marami rin naman siyang trabahong masasabing “sumabit” na maaaring hindi naman siya mismo ang gumawa pero dahil kasama nga niya sa kanyang blogs ang kanyang kaibigan, natural sumabit siya.

Hindi lang naman mga tao sa kongreso ang may ganoong opinion. Sinasabi ngang maski ang ilang opisyal sa Malacañang ay hindi rin nagugustuhan ang kanyang blogs.

Pero may fans si Mocha na naghihintay namang magbalik siya sa kanyang pagkanta at pagsasayaw, lalo ngayong wala na siya sa gobyerno. Noong panahong kumakanta lang siya at sumasayaw, walang nagagalit sa kanya at lahat ay nasisiyahan naman sa kanyang mga palabas. Siguro naman may mag-o-offer pa sa kanya ng TV shows ngayon dahil sikat na siya, pero musical na lang. Huwag na niyang haluan pa ng pulitika.

Related video:

Pagma-manage ni Nora kay John Rendez sa recording, huli na

Akala namin totoo ang tsismis na posibleng lumipat din si Nora Aunor sa ABS-CBN, matapos na makita siya sa compound ng Dos. Iyon pala ang i­naayos niya ay isang recording project para kay John Rendez, na sinasabing mina-manage niya ang career.

Gagawa na naman pala ng album ‘yang si John. Noong araw may ginawa na siyang album eh, pero hindi namin nabalitaan kung nai-distribute nga ba talaga. Si Nora ang producer noon ng kanyang album. Ngayon kung Star Music nga ang producer ni John Rendez, malamang na ma-distribute ang kanyang album.

Siguro maririnig din iyon sa FM station ng ABS-CBN. Pero kung magiging hit iyon ay ibang usapan na.

Pero palagay namin huli na para pumasok pa sa recording si John Rendez.

Talent ng isang TV network isinama ang katropa sa ‘date’ nila ng bading na set designer

Ang tindi ng tsismis na ipinarating sa amin ng isang network staff. Iyon daw isang talent nila, meaning nagiging extra sa kanilang mga show, nakipag-date sa isang bading na set designer nila. Supposed to be, magkikita sila sa isang high end bar sa Taguig, pero nang dumating ang “talent” may kasamang mga barkada.

Hindi naman daw umurong ang ba­ding, at nagkagasta nga raw sa bar ng mahigit na eleven thousand pesos. Pero pagkatapos noon, bigla na lang lumayas ang “talent” at ang mga barkada niya at naiwang nakatunganga ang bading.

vuukle comment

MOCHA USON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with